• Home
  • Fresh Scoops
  • Masaya si Alma Moreno para sa dati nitong asawa na si Joey Marquez.

Alma Moreno may payo sa mga taong naloko; masaya para sa love life ni Joey Marquez

Masaya si Alma Moreno para sa dati nitong asawa na si Joey Marquez.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/25/2021 04:32 PM
Alma Moreno may payo sa mga taong naloko; masaya para sa love life ni Joey Marquez
Screenshot from Winwyn Marquez YouTube Channel

Masaya ang aktres na si Alma Moreno sa love life ng dati nitong asawa na si Joey Marquez. 

Sa pinakabagong vlog ng anak ni Alma na si Winwyn, nagbigay ng payo ang aktres at dating konsehal ng Parañaque para sa mga taong niloko.


“Seryoso ‘to kasi marami na pong pinagdaanan. Hindi, joke lang,” pabirong sabi ni Alma. 

Ayon kay Alma, siya ang tipo na gagawin ang lahat hangga’t pwede pang isalba ang isang relasyon. 

“Hanggang kaya mong isalba ‘yung relasyon ninyo, isasalba mo. Pero kung napuno na ‘yan, may hangganan talaga ‘yan. ‘Pag naubos ka, sorry ka [sa boy],” ani Alma. 

“Kasi ‘pag ayoko na, ayoko na. Kasi kumbaga ginawa ko na ‘yung part ko eh. Wala siyang masisisi sa’yo na bakit hindi ka nagtiis. Sobra na ‘yun eh,” aniya pa. 

Nilinaw naman ni Winwyn na maayos ang relasyon ng kanyang mga magulang na sina Alma at Joey at sinabing parang matalik na magkaibigan ang turing ng mga ito sa isa’t-isa. 

“Maayos sila. They’re like best friends. My mom and my dad are like best friends. And it’s nice na nakakausap ko sila tungkol sa mga ganitong bagay,” ani Winwyn. 

“Kasi kami naman ng Daddy mo, magkaibigan kami. Sobrang magkaibigan kami ngayon lalo na pagdating sa mga anak po namin. Sobrang nagkakasundo ho kami,” dagdag ni Alma. 

Ibinahagi din ni Winwyn na masaya si Joey ngayon sa piling ng kanyang minamahal. 

“My dad is with someone. He’s very happy with this someone,” pagbabahagi ni Winwyn. 

Masaya naman si Alma para dati nitong asawa dahil nakahanap ito ng mabait na taong nag-aalaga sa kanya. 

“Natutuwa po ako dahil nakatagpo na po siya ng talagang mabait po at mag-aalaga sa kanya,” ani Alma. 

Pero ayon kay Winwyn, ang ina nito ang tipong mas maayos ang karera tuwing wala itong karelasyon. 

“‘Pag merong love life ang mom ko, sobrang nahihirapan siya sa work. ‘Pag wala naman siyang love life, sobrang nagpo-prosper siya sa work,” saad ni Winwyn. 

READ: Alma Moreno, ibinahagi ang mga pagbabago sa buhay ng anak na si Mark Anthony Fernandez

“Kasi ho pagdating sa work, ang priority ko talaga, work eh. Wala hong kaplastikan ha, alam mo ‘yun Wyn,” paliwanag naman ni Alma.