• Home
  • Fresh Scoops
  • Kaye Abad has no regrets about starting out in showbiz at an early age.

Kaye Abad recalls she started out in showbiz only earning P800 every week

Kaye Abad has no regrets about starting out in showbiz at an early age.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/24/2021 09:22 AM
Kaye Abad recalls she started out in showbiz only earning P800 every week
Photo credit: @kaye_abad Instagram

Nilinaw ni Kaye Abad sa interbyu sa kanya ni Paolo Contis sa online show na Just In na hindi niya pinagsisihan ang pagpasok niya sa showbiz during her teenage years.

Walang pagsisisi. Kasi I started not so young, not like you,” sabi niya kay Paolo. “I started 13 already, so wala ako masyadong na-miss.

Nakapaglaro pa rin naman ako with my friends sa village, yung mga ligo-ligo sa ulan, nagawa ko yon. No regrets at all,” sabi ulit ng aktres.


Idinagdag din ni Kaye na nung nag-aartista pa siya ay napagsabay niya nang maayos ang showbiz career at ang kanyang personal na buhay.

Lahad ni Kaye, “Pati yung career path ko noon gradual lang. Hindi yung super sikat, pero hindi rin naman yung walang trabaho. So, swabe siyang tumakbo.

Hindi katulad nung iba na nag-start pa lang sikat agad tapos bumagsak, nag-struggle. Wala akong regret sa tinakbo ng career ko at sa showbiz.

Pero inamin ni Kaye na dumating din siya sa point na hindi rin niya nagustuhan ang pag-aartista

Dati kasi ayoko talaga mag-artista dahil do’n sa oras ng trabaho. Pero ngayon, siyempre nagbago naman na. Kasi aminin na natin ang show business nakakabaliw siya… mahirap,” bulalas ni Kaye.

Nagbigay din ng payo si Kaye sa mga gustong mag-artista base sa kanyang mga pinagdaanan.

Sabi ng celebrity mom, “Lagi kong sinasabi sa mga gustong mag-artista, it’s not all about fame. It’s not all about earning money. Kasi pag nagtatanong ako, ‘Bakit mo gusto mag-artista?’ ‘Kasi gusto ko pong makatulong sa pamilya ko.

Hindi lang yon ganu’n, di ba? Laging ganu’n, eh. Sabi ko talaga, kung hindi mo gustong umarte, wala kang patience, you will not survive. Hindi ka magtatagal kasi mahirap mag-artista. Kasi akala nila masarap yung fame. Akala nila yung pag-arte madali lang. Hindi siya madali.

Kung gusto niyong mag-artista, make sure you love to act. You study. Pag-aralan mo yung pag-arte. Hindi madali yung ginagawa namin. Kung gusto niyong makatulong sa pamilya n’yo, magtrabaho kayo. May ibang ways. Kasi feeling ng mga tao easy money ang showbiz, eh,” dagdag pang paliwanag ni Kaye.

Ikinuwento rin ni Kaye na nung nagsisimula siya sa AngTV ay P800 lang ang kinikita niya tuwing Sabado. Do’n pa raw niya kinukuha ang pambayad sa gas sa sasakyan at damit kaya wala rin daw halos siyang kinikita.