• Home
  • Fresh Scoops
  • Darryl Yap, aminadong nanood dati ng mga napiratang pelikula.

Director Darryl Yap, very violent ang nagiging reaksyon kapag pinipirita ang mga pelikula

Darryl Yap, aminadong nanood dati ng mga napiratang pelikula.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/24/2021 09:36 AM
Director Darryl Yap, very violent ang nagiging reaksyon kapag pinipirita ang mga pelikula
Photo credit: @direkdarrylyap Instagram

Isa ang director na si Darryl Yap sa mga bagong biktima ng pamimirata sa panahon ngayon ng digital age.

Actually, nung sa Jowable time, wala naman masyadong pirata, pero nung sa Paglaki Ko, Gusto Ko Maging Pornstar na, saka nung Tililing, nakikita ko sa Facebook, ang sakit-sakit pala ng ganun,” pagtatapat ng director sa PUSH.

Dugtong niya, “I just joined this industry two years ago and self admittedly, I patronized din some film uploads sa Facebook. So, sinasabi ko, nung nakita ko nga na pinipirata yung ginagawa ko, feeling ko na-karma ako.


Kasi nung wala pa ako sa industry, nanonood ako ng ganun sa Facebook, eh. So, yon nalang yung iniisip ko. Sabi ko, ‘Sh*t, mga ilang pelikula ko pa ’to kasi marami akong pelikulang napanood sa Facebook.”

Eh, ano ba ang reaksyon niya kapag pinipirata ang kanyang pelikula?

Tugon niya, “My reaction? Very violent. Binibenta kasi nila. Parang they sell it and then in exchange of GCash money. So, ako naman, sabi ko, ‘Baka puwede mong tanggalin.’

Mine-message din daw niya ang mga pirata.

I message each uploader. Nakikiusap ako. Before, nagagalit ako pero after awhile, nung napagod na rin ako, it was the Viva legal counsel na who actually handled it,” kuwento pa ng director.

Ayon pa kay Direk Darryl, mas mahirap gumawa ng pelikula ngayong panahon ng pandemic kaya sana raw ay makonsensiya ang mga pirata.

I think it’s a matter of decency and maybe their conscience calling when they do this kasi kagaya namin sa Pornstar, we filmed Pornstar during the height of pandemic, it was September last 2020.

And doon sa ano na ’yon, many people risked their lives while filming it because it was ECQ in Manila but it was GCQ in Olongapo. In Olongapo it’s allowed to shoot, pero people are risking their lives. Yes, they are paid but then again, no amount of money can actually compensate with the fear of contracting this disease.

So, yon lang yung naisip ko. Sa dami ng trabaho, sa dami ng sinasakripisyo, tapos makikita mo lang yung pelikula sa Facebook or sa mga pirated sites. Medyo nakakagalit yon,” tuluy-tuloy niyang pahayag.

When it comes to piracy, I think the legal people will handle that. Pag ako nag-handle niyan baka masampahan din ako ng kaso kasi sobrang galit na galit ako sa mga pinaggagawa nila.

Pero, you know, sabi ko nga, Netflix at HBO problema din yan. So, ang sosyal naman kung makikisabay ang Vivamax sa problema. So, why not?” huling pahayag ng kontrobersyal na director.