• Home
  • Fresh Scoops
  • Sa second part ng kwentuhan ng mag-ina na Kris Aquino at Bimby Aquino-Yap, sinabi ng dating TV personality na tanggap niya ang anak kung ano man ang gustuhin nito sa hinaharap.

Bimby Aquino-Yap sa pangungutya na beki siya: ‘I know what I am, I’m straight’

Sa second part ng kwentuhan ng mag-ina na Kris Aquino at Bimby Aquino-Yap, sinabi ng dating TV personality na tanggap niya ang anak kung ano man ang gustuhin nito sa hinaharap.

BY
Ann Manhit

FRESH SCOOPS

04/24/2021 10:07 AM
Bimby Aquino-Yap sa pangungutya na beki siya: ‘I know what I am, I’m straight’
Screenshot from Kris Aquino Facebook Page

Sa ikalawang bahagi ng video ni Kris Aquino, naging usapan nila ng anak na si Bimby ang sexual orientation nito. Kailan lang ay umalma si Kris sa mga nambubully sa kanyang bunso at pinagtatawanan ang kanyang anak dahil bakla daw ito. 

Sa nasabing video na inupload ni Kris sa Facebook, sinabi niya na tanggap niya si Bimby anuman ang sexual orientation nito. 

Una ay tinanong ni Kris ang anak kung anong nararamdaman nito na tinatawag siyang bakla ng ilang netizens. 


Wala I don’t really feel anything,” bungad ni Bimby. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

Dagdag pa ni Bimb, “O sige, if you think I’m gay, alright dude. But you do realize that the gay community sa Philippines is a strong community. And you do realize that I’m 14. It did not go through my mind, because I know what I am. I’m straight as an arrow.

Dito sinabi rin ni Kris na wala siyang pakialam if ano man ang gustuhin ni Bimby. 

I want to bring this out also. Whatever you are, I’ll accept. I really don’t care, honestly. Whatever you choose to be, it will be fine with me for as long as you excel.

Inemphasize din ni Kris na “I am so anti-homophobia,” na sinagot naman ni Bimby ng, “I love gays. I love LGBTQ.” 

Kaya naman tinanong ni Kris ang anak ng “Have you questioned yourself at all?” 

Very candid naman ang pagsagot ni Bimby dito. “No not at all. I love girls...I’ll set the record straight, I’m straight. I like women. I don’t like boys.”

Sinabi rin ni Kris sa kanyang anak na, “Whatever you choose to be, it’s none of their business.” 

Ayon naman kay Bimby, walang isyu sa kanya kung isipin ng iba na bakla siya. 

They’re entitled to their opinion on what they think about me, just as long as you don’t attack me. If you say, ‘I think Bimb is gay,’ I’ll respect that. I’ll say, ‘No, I’m not gay.’ But if you say, ‘Beki si Bimb, kadiri!’ That’s wrong. As long as you debate with someone at may respeto ka sa tao, okay lang, sure. If you have different opinions, okay lang ‘yan, sure.

Napag-usapan din ng dalawa ang balak ni Kris na mag-ampon ng anak na babae. 

Can we adopt a baby girl?” tanong ni Kris kay Bimby at sinagot ito ng binata ng, “Yes, I allowed you like a year ago. Kuya is the one, not me.”

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

Sa usapin naman ng future job, pinili ni Bimby na maging doctor-businessman, kaysa sa iba pang choices ni Kris na lawyer at politician. Sobrang tuwa ng dating TV host dito at sinabi niya na “That is the best thing I have heard in my life. Because that’s my dream.”

Inamin din ni Bimby na wala na indifferent na siya pagdating sa kanyang ama na si James Yap. Aniya, hindi naman daw nag-eeffort ang kanyang ama na makipag-communicate sa kanya ng ilang taon na. Dito nilinaw din ni Kris na hindi niya pinagbabawalan ang anumang communication sa pagitan ni James at Bimby. 

READ: James Yap pens heartwarming birthday message for Bimby

He’s not the one trying to get in contact with me. I have a phone, it just takes 10-digits sa keypad to call me. And di niya ginawa in ilang years,” sabi pa ni Bimby, na nagpaumanhin sa pagiging ‘blunt’ niya sa usapin tungkol sa kanyang ama. 

Sa bandang dulo ng interview, sinabi ni Kris na matagal din na hindi makikita sa kanyang social media si Bimby, tulad ng kanyang sinabi kamakailan na babawasan niya ang exposure ng kanyang mga anak online. 

"I'm partly to blame kung nadamay man mga anak ko. I'm taking full responsibility. I can never shield them fully because from the time they were born, I was already Kris but I can choose what I can show you,” ani Kris sa kanyang statement noong April 12. 

Sa nasabing video din, sinabi ni Kris kay Bimby na huwag makinig sa mga sinasabing masama sa kanya ng ibang tao. 

"Hindi na natin kasalanan kung ano yung magiging opinyon nila about you but what's important you know who you are. And you are not going to be like them. I brought up a son who is brave,” saad ni Kris.