• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagpaalala ang TV Patrol news anchor na si Bernadette Sembrano sa mga netizens na huwag makampante dahil hindi lahat ng may COVID-19 ay may nararamdaman na mga sintomas.

Bernadette Sembrano, nagpositibo sa COVID-19: ‘Marami ang asymptomatic, feeling mo wala kang sakit’

Nagpaalala ang TV Patrol news anchor na si Bernadette Sembrano sa mga netizens na huwag makampante dahil hindi lahat ng may COVID-19 ay may nararamdaman na mga sintomas.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/24/2021 10:48 AM
Bernadette Sembrano, nagpositibo sa COVID-19: ‘Marami ang asymptomatic, feeling mo wala kang sakit’
Photo credit: @bsaguinaldo Instagram

Noong April 23, ibinahagi ng TV Patrol news anchor na si Bernadette Sembrano na siya ay nagpositibo sa sakit na COVID-19. 

I just want to inform you that I tested positive for COVID. Nagulat din po ako. Kasi wala akong nararamdaman at all. In fact I feel healthy. Wala pong symptoms pero meron kaming mandatory RT PCR test sa work so when it came out, nawindang din ako,” bungad ni Bernadette sa kanyang video sa Instagram. 

Dagdag pa ng Kapamilya broadcast journalist, asymptomatic siya kaya pinaalalahan niya din ang kanyang followers na huwag makampante dahil walang nararamdaman na sakit. 


I am coming out para maenlighten ang marami sa atin. Kadalasan ang iniisip natin kapag may COVID ang mga pasyenteng mahina ang katawan, may tubo, nangangayayat, inuubo. Pero marami po ang kagaya ko na asymptomatic, yung feeling mo wala kayong sakit, wala kayong COVID at patuloy tayong humahalubilo kasama ang ibang tao. Yun yung nakakatakot kasi we could be endangering the lives of the people around us and the lives of our loved ones. So please practice the health protocols because we are doing it not only to protect ourselves, we are doing it to protect our loved ones. Magpa-vaccinate na din tayo,” ani Bernadette. 

Samantala, nagbibigay din ng ilang updates si Bernadette sa kanyang kondisyon ngayong naka-isolate siya sa kanyang mga mahal sa buhay at mga katrabaho.

Get some sunshine !!!! Vitamin D to boost your immune system,” sabi pa ni Bernadette. 

Maingat din daw niyang minomonitor ang kanyang oxygen levels. 

Monitor yourself closely . 3 times a day. Ummm , and please don’t use your pulse oximeter while you are anxiously hyperventilating !!! Speaking from experience :) LOL. Slow breathing helps. INHALE happy thoughts. EXHALE worries,” sabi pa nito. 

Pansamantalang si Julius Babao, Karen Davila at Alvin El Chico ang magiging anchors ng TV Patrol habang tinatapos nina Bernadette at kasamang si Henry Omaga Diaz ang kanilang self quarantine.