• Home
  • Fresh Scoops
  • Kabilang sina Pokwang at Paolo Ballesteros ngayon sa mga personalidad na nagpasimula na rin ng kanilang bersyon ng Community Pantry.

‘Pantry Sisters’: Paolo Ballesteros at Pokwang, kapit-bisig sa pagtulong

Kabilang sina Pokwang at Paolo Ballesteros ngayon sa mga personalidad na nagpasimula na rin ng kanilang bersyon ng Community Pantry.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/23/2021 05:31 PM
‘Pantry Sisters’: Paolo Ballesteros at Pokwang, kapit-bisig sa pagtulong

Sanib puwersa sa pagtulong ang mga bituin na sina Paolo Ballesteros at Pokwang na gumawa ng kanilang sariling bersyon ng Community Panty.

Sa pamamagitan ng isang Instagram post, ipinasilip ni Pokwang ang kanilang naging bersyon ng community pantry na tinawag nilang “Pantry Sisters”

“Tagumpay ang aming #communitypantry ang #pantrysisters” bungad ni Pokwang sa caption kalakip ang litrato ng pagpila ng mga tao sa kanilang community pantry.


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Mayette (@itspokwang27)

 

Sa post, pinasalamatan rin ni Pokwang ang kaniyang kapitbahay at kasamahan sa showbiz industry na si Paolo Ballesteros na isa sa mga punong abala sa pamamahagi ng tulong sa mga kababayang kapos ngayon sa patuloy na krisis dala ng COVID-19.

“thank you sa mga kapit bahay ko sa pakikiisa at pakikipagtulungan @pochoy_29 @pjfuente @kikel_ salamat sa inyo... basta alam nyo na sino sino kayo God bless,” sambit ni Pokwang sa post.

VIDEO COURTESY @pochoy_29 IG STORY

Iilan lamang sina Pokwang at Paolo sa mga showbiz personality na sumunod na rin sa Community Pantry na unang sinimulan sa ni Ana Patrica Non sa Maginhawa Community Pantry.

Ang Maginhawa Community Pantry ni Non ang naging inspirasyon ngayon ng maraming Pilipino sa pamamahagi ng malasakit sa panahon ng pangailanagan.

Bukod kay Pokwang at Paolo, naglunsad na din ang aktres na si Angel Locsin ng kaniyang bersyon ng Community Pantry kasabay ng kaniyang kaarawan.

RELATED LINK: Angel Locsin puts up own community pantry to celebrate 36th birthday

Si Gabbi Garcia ay gumawa din ng Community Pantry project.