Kylie Verzosa sa pag-aartista: ‘Kakainin ka nang buhay ng industriya kapag masyado kang shy’

Kylie Verzosa, muling binalikan ang kanyang pageant days.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/23/2021 11:12 AM
Kylie Verzosa sa pag-aartista: ‘Kakainin ka nang buhay ng industriya kapag masyado kang shy’
Photo Credit: @kylieverzosa Instagram

Sa pagharap ni Kylie Verzosa sa virtual pressccon para sa VivaMax Middle East kasama ng PUSH at ilang vloggers/press from Dubai ay bigla siyang napa-throwback nung panahong sumasali pa siya sa beauty pageant. Si Kylie ang isa sa mga bida sa VivaMax Original Series na Parang Kayo Pero Hindi kasama si Xian Lim na mapapanood na rin ng halos 2 milyong Pilipino na naka-base sa Middle East.

Ayon kay Kylie, dalawang beses siyang sumali noon sa Binibining Pilipinas. Sa kanyang first attempt raw sa national pageant taong 2015 ay natalo siya. Nang sumunod na taon, 2016, ay muli raw siyang sumali at do’n na siya nanalo bilang Bb. Pilipinas International crown noong 2016.

Si Kylie ang naging representative ng Pilipinas sa Miss International na ginanap sa Japan the following year kung saan siya ang nag-uwi ng Miss International crown.


Bago ang pagsali sa beauty pageant ay napakamahiyain pala ni Kylie. Ito ay ayon na rin mismo sa mga dati niyang kaklase na nagulat sa kanyang pagsali sa Binibining Pilipinas at pagpasok sa showbiz.

Pagtatapat ni Kylie, “Sobrang mahiyain ako noon. Sobrang soft spoken. Quiet lang ako, shy type.”

Pero kailangan daw niyang tanggalin lahat ng hiya na meron siya para makasabay at may mapatunayan sa mundong pinasok niya.

“Coming here to Manila and getting into showbiz, hindi na pwede yon. Kakainin ka na nang buhay ng industriya kapag masyado kang shy,” katwiran pa niya.

Inilihim din daw niya noon sa mga kaibigan niya ang pagsali sa beauty pageant at pag-aartista.

“Coming from Ateneo, pumasok ako sa showbiz, parang itinago ko pa sa friends ko. Nahihiya pa ako na sabihin na ito yung gusto kong gawin—magpa-pageant ako. Itinago ko muna habang hindi pa ako nananalo,” lahad ng dating beauty queen.

Itinuturing ni Kylie na ang pagkatalo niya noong una siyang sumabak sa beauty pageant ang dahilan kung bakit nanalo siyang Miss International.

“It comes with experience. It comes with failure. Noong nanalo ako ng Miss International, natalo muna ako sa Binibining Pilipinas, so that really helped me.

“Parang kailangan ko munang matalo para sabihin na gusto ko ito. Feeling ko, kaya ko ito. ‘Bakit sila, bakit hindi ako yung nanalo?’ Yon ang nasa ulo ko. Feeling ko naman, deserve ko na manalo, pero bakit hindi ako nanalo?

“Mas nagpursige ako na aralin kung ano ba talaga yung hinahanap nila. Over time, I figured it out na, okay, this is what they’re looking for. And over time, I was able to build confidence and make myself whatever they wanted me to be. At feeling ko, nagagamit ko rin yon sa acting ngayon,” paliwanag ng girlfriend ni Jake Cuenca.

Samantala, ang Tililing ni Darryl Yap ang pang-opening salvo ng Vivamax Middle East, followed by Miracle in Cell No. 7, Miss Granny, Just a Stranger, Unforgettable, On Vodka, Beers and Regrets, Jowable, at Mia.