• Home
  • Fresh Scoops
  • Kasalukuyang buntis si Kaye Abad sa pangalawang anak nila ni Paul Jake Castillo.

Kaye Abad, sabik nang umarte at bumalik sa showbiz

Kasalukuyang buntis si Kaye Abad sa pangalawang anak nila ni Paul Jake Castillo.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/23/2021 01:49 PM
Kaye Abad, sabik nang umarte at bumalik sa showbiz
Photo Credit: @kaye_abad Instagram

Sa interbyu ni Paolo Contis kay Kaye Abad sa online show na Just In ay inamin ng aktres na sabik na siyang umarte ulit at bumalik sa showbiz.

“Gusto ko. Gustung-gusto kong bumalik pero ang hirap,” pagtatapat ni Kaye kay Paolo.

Pero dahil isa na siyang ina at may pamilya na kaya nag-iba na raw ang kanyang priority ngayon. Kasal si Kaye sa dating PBB housemate at businessman na si Paul Jake Castillo na naka-base sa Cebu.


READ: Kaye Abad recalls she started out in showbiz only earning P800 every week

Patuloy ni Kaye, “Right now, bago ako mabuntis… hindi, hindi, I think, buntis na ako nu’n. I just found out na I was pregnant and then nag-text ang handler ko. May offer sila na soap opera. Maganda ang role, maganda lahat. Kaya lang hindi puwede, buntis na ako.”

“Priority ko talaga ngayon is family muna, makabuo ng family kasi kung magtatrabaho ako ng full time, let’s say I would stay there (sa Manila) ng mga three months the most—hindi naman ako mabubuntis sa Maynila nang wala ang asawa ko,” natatawa pa niyang pahayag.

Naniniwala si Kaye na kung para talaga sa kanya ang showbiz ay makababalik pa rin siya sa ibang panahon.

“So sabi ko, kung para sa akin talaga ‘tong showbiz makakapaghintay naman sila,” sambit niya.

When asked kung payag ba siyang pag-artistahin ang mga anak nila ni Paul Jake, sagot dito ni Kaye, “Ngayon ayoko!”

“Siguro kapag medyo may isip na sila, kung gusto talaga nila ha. But hindi ko sila ipipilit. Kung gusto talaga nila, sige, pero kapag mga tipong 13 o 14 na sila. Pag ganu’n na siguro,” giit ng aktres.

Huling napanood si Kaye sa 2019 Kapamilya teleserye na Nang Ngumiti ang Langit na pinagbibidahan ng batang aktres na si Sophia Reola. Ginampanan dito ni Kaye ang role ng ina ni Mikmik.

Samantala, naging malapit na kaibigan ni Kaye si Paolo dahil nagkasama sila noon sa AngTV at sa youth-oriented series na Tabing-Ilog ng ABS-CBN where they play the role of Eds and Badong, respectively.