• Home
  • Fresh Scoops
  • Si Victor Wood ay itinuturing na isa sa mga jukebox kings ng Pilipinas, na sumikat noong dekada ‘70.

‘Jukebox King’ Victor Wood, pumanaw na

Si Victor Wood ay itinuturing na isa sa mga jukebox kings ng Pilipinas, na sumikat noong dekada ‘70.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/23/2021 03:41 PM
‘Jukebox King’ Victor Wood, pumanaw na

Pumanaw na ang isa sa mga itinuturing na isa sa haligi ng Original Pilipino Music na si Victor Wood.

Si  Victor ay pumanaw sa edad na 75 taon gulang at kinumpirma ito ng production staff  ng kaniyang upcoming biopic movie na pagbibidahan ng aktor na si Martin Escudero.


Ayon sa ulat, nasa Intensive Care Unit ng isang ospital ang legendary singer bago ito binawian ng buhay sa piling ng kaniyang mga kaanak.

Si Victor ay itinuturing na isa sa mga jukebox kings na sumikat noong dekada ‘70.

Siya ay nakilala sa mga classic hits tulad ng “Eternally,” “Fraulein,” “Mr Lonely,” at ang “I’m Sorry My Love,” na tumatak talaga sa puso ng bawat Pilipino.

Sa ngayon, hindi pa tiyak ang dahilan sa pagpanaw ng iconic singer.