• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinasailip ng aktres na si Jessy Mendiola ang laman ng kanyang bag sa kanyang bagong vlog post nitong Huwebes, Abril 22.

Jessy Mendiola, ipinasilip ang laman ng kanyang bag

Ipinasailip ng aktres na si Jessy Mendiola ang laman ng kanyang bag sa kanyang bagong vlog post nitong Huwebes, Abril 22.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/23/2021 09:37 AM
Jessy Mendiola, ipinasilip ang laman ng kanyang bag
Screenshot from Jessy Mendiola YouTube Channel

Ipinasailip ng aktres na si Jessy Mendiola ang laman ng kanyang bag sa kanyang bagong vlog post nitong Huwebes, Abril 22.

Ayon kay Jessy, naisip niyang gawin ang vlog upang maibahagi sa kanyang fans kung ano ang kanyang mga "must-have items" sa kanyang bag ngayong may pandemya.

 


 

"Gusto kong ipakita sa inyo kung ano 'yung lagi kong dala kapag kunyari may mga gagawin ako sa labas. Mga kailangan especially that there's a pandemic," aniya.

Ilan sa mga laman ng kanyang bag ay face shield, face mask, powerbank, eyeglasses, hair sanitizer, wallet, at salamin.

Ayon kay Jessy, madalas din siyang nagdadala ng libro. 

“Sa lahat ng mga nakakakilala sa akin, mahilig talaga ako magbasa... I like bringing [books] with me sometimes just to kill time. ‘Pagka-kunyari I’m waiting for an appointment, or ‘pag nasa work ako and I’m not really doing anything while waiting for the next layout or something, nagbabasa ako," pagbahagi niya.

Hindi rin umano umaalis si Jessy ng kanyang bahay nang wala ang kanyang phone. 

"Sobrang importante ng phone. I always make sure na dala dala ko ang aking phone," aniya. 

Pag-amin ng aktres, "I'm so bad with memorizing numbers. Number ni Luis (Manzano) hindi ko memorize. So it's important for me to have my phone with me at all times."

Bukod dito ay ipinakita rin ni Jessy ang kanyang pouch na naglalaman ng alcohol, airpods, at rosary.

"I pray the rosary everyday, so it's so important for me to have a rosary with me," sabi ni Jessy. "I get anxious most of the time and sobrang importante sa akin na makapag-pray ako every day. Kahit anong oras, 'pag free ako or meron akong time magdasal, ginagawa ko siya. But I usually pray before sleeping."

Iniisa isa rin ni Jessy ang laman ng kanyang pangalawang pouch na tila nagsisilbi bilang kanyang beauty kit. Naglalaman ito ng hair comb, perfume, hair ties, hand lotion, mouth spray, at lip balm.

Panoorin ang kanyang vlog dito:

Sa ngayon ay mahigit 7,000 na ang nanood ng vlog ni Jessy.

Mayroon na rin siyang higit 411,000 subscribers sa kanyang YouTube channel.