• Home
  • Fresh Scoops
  • Sinagot ni Kris Aquino ang tanong ng anak na si Bimby na, ‘What did you think when you married my dad?’

'I wanted it to work': Kris Aquino, naging bukas kay Bimby tungkol sa ama nitong si James Yap

Sinagot ni Kris Aquino ang tanong ng anak na si Bimby na, ‘What did you think when you married my dad?’

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/23/2021 04:52 PM
'I wanted it to work': Kris Aquino, naging bukas kay Bimby tungkol sa ama nitong si James Yap

Naging bukas ang actress-host na si Kris Aquino sa kanyang anak na si Bimby tungkol sa ama nitong si James Yap. 

Sa part one ng kanilang heart-to-heart interview na inilabas nitong Huwebes, Abril 22, nagbigay ng diretsong sagot si Kris nang tanungin ito ni Bimby ng, "What did you think when you married my dad?"

"Honestly, I just took the job," ani Kris. "As in, leap of faith. You know, because maybe I had that hang-up because the first two serious relationships, they... the dad of your kuya was not yet annulled, and the next one was also not annulled."


2005 nang ikinasal si Kris kay James na isang basketball player. Matapos ang dalawang taon ay ipinanganak si Bimby, ang nag-iisa nilang anak. 

Samantala, ang dating action star na si Phillip Salvador ang ama ng panganay na anak ni Kris na si Joshua. Bukod kay Phillip ay naging karelasyon din ni Kris sina Robin Padilla at Joey Marquez.

BASAHIN: Amid dating rumors, Kris Aquino says she’s single

Pagpapatuloy ng aktres: "You know, what made your dad special was that initially, he trusted me by telling me something that he didn’t have to tell me... I was impressed kasi he did not wait for me to hear about it from other people or read about it in the tabloids. In fairness, at the time, [he had balls].

“I think I was at a place naman na I felt I wanted to be married. Because parang feeling ko I was 34, your dad was 11 years younger, and I felt it was weird because the one [who] came before him was actually 11 years older... [while] kuya’s dad was 18 years older.

“I thought it could work. I honestly thought it could work. Not realizing na he was too young and we really came from two very different worlds. But I wanted it to work. Actually, siguro, that should’ve been the warning because your dad had said I was his childhood crush. So never go out with someone who tells you ikaw ‘yung childhood crush."

Hindi man naging maganda ang kinahinatnan ng kanilang pagsasama, sinabi ni Kris na malaki pa rin ang pasasalamat niya sa dating asawa.

“Can I just clarify? Enough time has passed na I now feel just so grateful. Because without him, there would be no you," sabi ni Kris kay Bimby. 

"‘Yung parang, there’s no more of the... na let go na lahat ng kung ano man ‘yung mga hurt feelings, bad feelings, and all. It’s just that I’ve learned to look at the glass as being half-full, but because of you, it’s not just half-full. The glass is overflowing," dagdag pa niya.

Matapos ang hiwalayan nila ni Kris, naging karelasyon ni James ang Italian national na si Michela Cazzola. Mayroon silang dalawang anak.

LOOK: Daughter of James Yap and Michela Cazzola turns 2

Samantala, bukod kay James ay pinag-usapan din nina Kris at Bimby ang naging relasyon nito sa aktor at dating mayor ng Quezon City na si Herbert Bautista.

"Yeah. I liked him," pag-amin ni Bimby nang tanungin siya ng ina tungkol sa kanyang opinyon kay Herbert. "Because he was intelligent enough to notice boundaries. Parang he didn’t try to be my dad. And he knew that nothing will break us. Because like we’re titanium. I think he’s a good guy."

Nang tanungin naman ni Bimby ang ina kung naging kuntento ba ito sa naging relasyon nila ni Herbert, pag-amin ni Kris: “No. I’ll say that now.

"I had happy times. He has never been married, so I don’t think that would work. I think na kailangan pareho kayo ng pinagdaanan. Because with what I went through with your dad, at least, it’s very clear. We know where it started, we know how it ended. So I think it lasted as long as it did because he knew when to come in and when to go out. And he really became my friend. That’s what I miss, I miss being friends. But you know, you can’t be friends. Yeah.

“We are better off just steering clear of each other. But he gave me good memories. Kung ‘yun lang ang bitbit ko, at least, meron. And I was thinking about that, that he was a part of my life for half of your existence. Maybe it would not end the way it should, but at least it ended. At least we know. It was an intellectual ending, not an emotional one. Nagka-intindihan kami."

Panoorin ang buong panayam dito:

Sa video description ng kanyang panayam kasama si Bimby—na kamakailan lamang ay ipinagdiwang ang kanyang ika-14 na kaarawan—ibinahagi ni Kris kung gaano siya ka-proud sa kanyang anak. 

"I am so proud," ani Kris. "Mas matalino, mas matatag, mas malawak ang pangunawa ng bunso ko kumpara sa mama niya when I was his age, and even now in many ways, he really is the better me!"