• Home
  • Fresh Scoops
  • “Sa ngayon po, I will prioritize helping the family and I will make it my responsibility to help them get through this. I am very, very sorry,” ani Angel Locsin.

Angel Locsin, humingi ng tawad sa pamilya ng nasawing senior citizen na pumila sa kanyang community pantry

“Sa ngayon po, I will prioritize helping the family and I will make it my responsibility to help them get through this. I am very, very sorry,” ani Angel Locsin.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/23/2021 04:28 PM
Angel Locsin, humingi ng tawad sa pamilya ng nasawing senior citizen na pumila sa kanyang community pantry

Isang hindi inaasahan at malungkot na pangyayari ang naganap sa community pantry na inorganisa ng aktres at philantrophist na si Angel Locsin bilang pagdiriwang ng kaarawan niya nitong Biyernes, Abril 23.

READ: Angel Locsin puts up own community pantry to celebrate 36th birthday

Ito ay matapos napabalitang pumanaw ang isang senior citizen na nag-collapse habang nakapila di umano sa community pantry ni Angel.


Sa isang Instagram post, bakas ang pagdadalamhati ng aktres sa pagharap sa pangyayaring ito.

Panimula niya, “Sa tingin ko, tama lang po na sa akin ninyo na marinig na totoo po ang balita na may inatake at namatay habang nasa pila ng community pantry. Senior citizen po sya na pumila daw po ng 3am at may naka-initan sa pila.”

“Bago po ang lahat, humihingi po ako ng tawad sa pamilya. Kanina po pinuntahan at nakapagusap po kami ng personal ng mga anak nya sa ospital. At habang buhay po ako hihingi ng patawad sa kanila.”

Kinilala rin ni Angel ang nasabing senior citizen sa kanyang post na kulay itim lamang ang makikita. Sa caption sinabi niya na, “Si tatay po ay isang masipag na ama na nagtitinda ng balut. Hindi ko man po sya nakilala pero sa pagkakakilala ko sa mga anak niya ay mabuti po syang ama at maayos nyang napalaki ang mga anak nya.”

Dagdag pa ni Angel, tinatapos na lamang nila na mabigyan ang mga nakapila sa ngayon at ipinaalam na may itinayo sila na fast lane para sa mga senior citizens nang mapansin maraming elderly na ang nakapila noong umaga.

“Meron po kaming tinayong fast lane para sa seniors na tent na may upuan nung mapansin po namin na maraming senior citizens ang nakapila kaninang umaga. Pero hindi naman po ibig sabihin na ini-encourage po namin ang mga seniors na lumabas at alam po natin na bawal po according sa IATF rules.”

“Pagkatapos po, idodonate na lang po namin ang mga natitirang goods sa ibang community panties at barangay.”

Sa huli ay inako ni Angel ang responsibilidad sa nangyari at sinabing tutulungan niya ang pamilya ng nasawi. Aniya, “Ang nangyari po ay akin pong pagkakamali. Sana po’y wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari. Sa ngayon po, I will prioritize helping the family and I will make it my responsibility to help them get through this.

“I am very very sorry,” pagtatapos ng aktres.

Basahin ang buong pahayag dito:

 

 

Nauna nang ibinalita ni Angel through Facebook video noong umaga ng Biyernes na nagkaroon ng disorder sa community pantry. Humingi siya ng paumanhin para dito. 

“Hindi po ito ang gusto ko. Nagsimula po kami nang maayos [sa] aming layunin, pati po ang pagpaplano ng social distancing. Nagkataon lang po talaga na siguro gutom lang po talaga 'yung tao na kahit wala po sa pila sumingit na po sila,” aniya.

"Sa mga nagambala ko po rito, pasensiya na. Hindi po ito ang intensyon ko," dagdag pa niya. "Sa mga hindi [naman] po mabibigyan today, nais ko rin po magsabi ng pasensiya po. Gustuhin ko man po mag-abot, I don't think papayagan pa po ako ulit na gawin 'to. Baka po ipahatid na lang din namin po kung ano man po 'yung matitirang goods namin sa inyong lugar dito sa area para mapakinabangan po ng iba."

"Again, pasensiya po talaga. Gusto ko lang po i-celebrate 'yung birthday ko sana na makatulong po ako sa mga tao. Hindi ko po intensyon na makagulo. Pasensya na po.”