• Home
  • Fresh Scoops
  • Humingi ng paumanhin si Jason Abalos sa pagboto niya kay Pangulong Rodrigo Duterte noong taong 2016.

‘Patawarin niyo ako’: Jason Abalos, pinagsisisihan ang pagboto kay Duterte bilang pangulo

Humingi ng paumanhin si Jason Abalos sa pagboto niya kay Pangulong Rodrigo Duterte noong taong 2016.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/22/2021 09:24 AM
‘Patawarin niyo ako’: Jason Abalos, pinagsisisihan ang pagboto kay Duterte bilang pangulo
Photo Credit: @thejasonabalos Instagram

Tila hindi napigilan ng aktor na si Jason Abalos na humingi ng paumanhin sa kanyang mga kapwa Pilipino kasunod ng naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa usapin ng West Philippine Sea. 

 

 

Nitong Abril 19, sinabi ni Pangulong Duterte na nagpapahiwatig ng pag-atras sa laban para sa soberentiya ng bansa sa Spratly Islands. 

“Even if I go there, I said, with Secretary Lorenzana, and sail there and ask questions, wala mang mangyari. Sasagutin ka lang, but you know the issue of the West Philippine Sea remains to be a question forever until such time that you know, we can take it back.” 

Ito ang unang beses na nagbigay ng komento si Pangulong Duterte simula nang mamataang nakapalibot ang daan-daang Chinese militia vessels sa Julian Felipe Reef mula Marso. 

 

 

Taliwas ito sa binitawan niyang mga salita noong tumatakbo pa lamang ito bilang Pangulo ng bansa kung saan sinabi niyang sasakay siya sa isang jet ski para depensahan ang West Philippine Sea.

“Bababa ako at sasasakay ako ng jetski, dala dala ko ang flag ng Filipino at pupunta ako dun sa airport [ng China] tapos itanim ko. I will say, ‘This is ours and do what you want with me.’” 

READ: Angel Locsin tells Duterte to present ‘concrete solutions, not emotions’ in national address

Kaya naman humingi ng paumanhin si Jason sa kanyang naging pagboto upang maluklok ang Pangulo sa kanyang pwesto noong 2016. Ani Jason, ang tanging hangad niya lamang ay pagbabago para sa bansa. 

“Isa ako sa mga bumoto dito. Patawarin nyo ako mga kababayan ko, ang gusto ko lang naman ay pag babago,” saad ni Jason. 

 

 

Dating parte ng ABS-CBN si Jason Abalos ngunit lumipat ito ng GMA Network taong 2017.