• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinahagi nina Jimuel Pacquiao at Arabella Del Rosario ang naging reaksiyon ng kanilang mga magulang tungkol sa kanilang relasyon.

Pamilya Pacquiao, aprub nga ba kay Arabella Del Rosario para kay Jimuel?

Ibinahagi nina Jimuel Pacquiao at Arabella Del Rosario ang naging reaksiyon ng kanilang mga magulang tungkol sa kanilang relasyon.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/22/2021 12:51 PM
Pamilya Pacquiao, aprub nga ba kay Arabella Del Rosario para kay Jimuel?
Photo Credit: @pacquiao.emmanuel and @arabelladelro Instagram

Isang buwan matapos kumpirmahin ang kanilang relasyon, sinagot ng magkasintahan na sina Jimuel Pacquiao at Arabella Del Rosario ang tanong kung aprub ang boxing champ at ang kanyang asawa sa dalagang aktres para sa kanilang anak. 

 

 

Sa Inside News episode na inilabas ng Star Magic kamakailan, pinaunlakan nina Jimuel at Arabella ang isang panayam kung saan napag-usapan nila ang kanilang relasyon. 

“‘Yung first impression ko sa kanya I guess mahiyain siya,” saad ni Arabella nang tanungin kung ano ang first impression niya sa kanyang nobyo at kapwa Star Magic artist. 

READ: Jimuel Pacquiao is dating this Star Magic artist

“At first po, we were friends muna. You know, through the games we played, I really got to know her,” ani naman ni Jimuel. 

Nang tanungin kung ano ang naging reaksiyon ng kanyang mga magulang tungkol sa kanilang relasyon ni Arabella, sinabi ni Jimuel na suportado nila ito. 

“Of course, it’s normal naman po to ask questions. You know, where she’s from, ganito. But they’re very supportive naman kasi tugma kaming dalawa and parang we’re both happy, you know,” saad ni Jimuel. 

READ: EXCLUSIVE: Star Magic artist Arabella del Rosario shares how Jimuel Pacquiao is as a boyfriend

May payo naman ang mga magulang ni Arabella sa kanya tungkol sa relasyon nila. 

“For my mom po, parang sabi niya, madami pa kaming mapagdadaanan na challenges. And of course, hindi din mawawala ‘yun especially ‘yung pressure ng showbiz. So, parang kailangan lang naming magiging matatag and kailangan lang namin i-remember na why we are together in the first place,” ani Arabella. 

 

 

Samantala, ibinahagi naman ni Jimuel ang kahalagahan ng pananampalataya sa kanilang relasyon. 

“For me naman po, it’s having God at the center of our relationship kasi everything will follow. For as long as we read the bible, always pray, everything will just follow lang din,” saad ni Jimuel.

Panoorin ang video sa ibaba:

Unang umugong ang balita tungkol sa estado ng kanilang relasyon Disyembre noong nakaraang taon. 

Dati ding nakarelasyon ni Jimuel ang ex Pinoy Big Brother (PBB) housemate at Bagong Umaga star na si Heaven Peralejo.