• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin ni Julia Barretto sa kanyang nobyo na si Gerald Anderson na kaya niyang talikuran ang pag-aartista para sa simple at tahimik na buhay.

Julia Barretto, handang iwan ang showbiz para sa simple at tahimik na buhay

Inamin ni Julia Barretto sa kanyang nobyo na si Gerald Anderson na kaya niyang talikuran ang pag-aartista para sa simple at tahimik na buhay.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/22/2021 08:47 PM
Julia Barretto, handang iwan ang showbiz para sa simple at tahimik na buhay
Screenshot from Gerald Anderson YouTube Channel

Inamin ni Julia Barretto sa kanyang nobyo na si Gerald Anderson na kaya niyang talikuran ang pag-aartista para sa simple at tahimik na buhay.

Sa bagong vlog ni Gerald na inilabas nitong Miyerkoles, Abril 21, inamin ni Julia na bagamat ito na ang mundong kinalakihan niya, kahit kailan ay handa siyang iwan ang showbiz para sa normal na buhay.

"Anytime," ani Julia. "I always dream of living a simple, quiet life. Family life."


Ayon sa aktres, sa susunod na lima hanggang sampung taon ay plano niyang bumuo na kanyang sariling pamilya. 

BASAHIN: After going public with Gerald Anderson, Julia Barretto reiterates plans to build a family at 26

Gayunpaman, inamin ni Julia na bata pa lamang siya ay nakikita na niya ang kanyang sarili na mag-aartista. 

"Because I feel like at an early age I was already exposed to this life. Because I grew up with like aunts who would take me to their work, my dad, my mom. So it was kind of like the only life I knew. So I felt like, you know, that's where I was going to end up now. But in the future, a simple, quiet life is what I dream," sabi niya.

Panoorin ang kanyang naging pag-amin dito:

Ito ang unang pagkakataon na nag-guest si Julia sa vlog ng kanyang nobyo.

Marso nitong taon nang aminin nina Julia, 24, at Gerald, 34, ang kanilang relasyon.

Matatandaang bago nito ay inamin din ni Gerald sa isang vlog na plano rin niyang magpakasal at magkaroon ng sariling pamilya. 

“Siyempre naman! Iyon ‘yung next chapter ng buhay natin. Inaayos natin lahat ‘yan,” aniya.