• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagbukas ng bagong resto si Christopher Roxas kahit nasa gitna ng pandemya.

EXCLUSIVE: Christopher Roxas ibinahagi ang status ng kanilang food businesses sa gitna ng pandemya

Nagbukas ng bagong resto si Christopher Roxas kahit nasa gitna ng pandemya.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/22/2021 01:45 PM
EXCLUSIVE: Christopher Roxas ibinahagi ang status ng kanilang food businesses sa gitna ng pandemya
Photo Credit: @christopherroxas Instagram

Konting adjustment lang ang ginawa ng pamilya nina Christopher Roxas at Gladys Reyes sa second wave ng pagdedeklara ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa bansa dahil sa muling pagtaas ng COVID-19 cases na nagsimula nitong Marso, 2021.

Ayon pa kay Christopher, wala naman silang nagiging problema kahit naka-quarantine ang kanyang buong pamilya. Napaghandaan na rin daw kasi nila ito kahit papaano.

“Actually, all is good. May adjustments pa rin everyday—non-stop learning process. The kids are fine and well. Sa akin kasi, I just trust God’s plan. Yung adjustment sa second ECQ wala naman masyado, naka-prepare na rin kami talaga,” simulang kuwento ng aktor sa PUSH.


Ibinalita rin ni Christopher na sa kabila ng pandemya ay maganda pa rin naman ang takbo ng itinayo nilang food business. Nakapagtayo rin daw sila ng isa pang resto sa San Pedro, Laguna.

“Well, yung Estela, stop muna ‘cause nasa mall siya and hindi talaga kaya ang overhead. Yung frozen goods sa Laguna okey naman.

“Nag put up din ako ng new resto sa San Pedro, Laguna na Antero’s ang name. It’s a Mexican Mediterranean Filipino fusion cuisine at awa ng Diyos it’s doing good. Tapos start ko na ulit yung That’s Entertainmeat namin na mga frozen marinated meat naman and soon yung Couples Pizza. Ang aming Sommereux Catering is okey din, actually wala mang events pero isa sa malaking tulong sa amin yon.

“So, everything is okey naman. Ang staff namin ay limited lang muna and okey naman kami,” masayang balita ni Christopher.

Eh, paano ba nila mine-maintain ang safety ng kanyang buong pamilya ngayong mataas na naman ang kaso ng COVID-19?

Tugon ng asawa ni Gladys, “We just have to play our part—be responsible, follow protocols and siyempre we always ask guidance kay God. Pag binigay na namin sa Kanya okey na kami.”

Hindi rin itinanggi ni Christopher na nami-miss na niyang umarte sa pelikula at teleserye. Huling pelikulang ginawa ni Christopher noon ang Cinemalaya entry na Tabon na idinirek ni Xian Lim.

“Oh, yeah! Siyempre, nami-miss ko yon talaga. Alam mo naman ako, I love acting di lang the showbiz itself. Actually, kung kelan pandemic mas maraming offer sa akin. I’m happy with Viva, ilang years na rin ako sa kanila.

“It was a busy 2019 for me kaya nakaipon din ako, tapos yon pala magpa-pandemic. Ang galing talaga ng Ama, eh!” lahad pa niya.

Nagbahagi rin ng advice ang aktor sa mga kababayang nahihirap sa dinaranasang pandemya ngayon.

“Put your trust in God. Hindi naman tayo perpekto, just do what is necessary. Instead of whining start doing things hanggang sa makakaya natin. Dapat kumilos tayo whether mahirap, gipit o kung anu pa man, and move forward. Ang recipe ng buhay ko basta tama at totoo ‘di ka mamamali,” huling pahayag ni Christopher sa PUSH.