• Home
  • Fresh Scoops
  • Ang debut single ng Verse Band na “Let’s Talk About Love” ay isinulat ni Nyoy Volante.

‘Your Moment’ second placer Verse Band, sumabak na sa recording

Ang debut single ng Verse Band na “Let’s Talk About Love” ay isinulat ni Nyoy Volante.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/21/2021 01:59 PM
‘Your Moment’ second placer Verse Band, sumabak na sa recording
Photo credit to the owner

May debut single na ang Verse Band na unang nakilala bilang 2nd placer sa singing category ng reality talent competition na “Your Moment.”

Kamakailan ay inilunsad na ng grupo ang pop rock song na “Let’s Talk About Love” sa ilalim ng DNA Music, ang rock/alternative label ng ABS-CBN.

Positibo ang mensahe ng awitin na tumutukoy sa iba-ibang posibilidad na naiisip ng isang tao kasama ang nagpapakilig o nagpapa-ibig sa kanya.


Si Nyoy Volante ang sumulat ng kanta na siya ring nagsilbing mentor ng banda noong napabilang sila sa “Your Moment.”

Pakinggan ang “Let’s Talk About Love” ng Verse Band at panoorin ang lyric video nito sa DNA Music YouTube channel. Para sa updates sa musika ng Verse Band, sundan ang DNA Music sa Facebook (facebook.com/dnamusicph) at sa Twitter at Instagram (@dnamusicph).

Binubuo ang Verse Band ng magkakapatid na sina Nisha Bedaña (vocals), Jade (drums), at Benok (guitar) na nanggaling sa isang pamilya ng musikero. Hango sa pangalan ng kanilang ama na si Virgilio o Daddy Verse ang pangalan ng banda.

Sa kasalukuyan ay kabilang ang grupo sa artists ng talent management ng ABS-CBN na Polaris. Napapanood naman si Nisha bilang isa sa hosts ng “It’s Showtime Online Universe.”