• Home
  • Fresh Scoops
  • Tuloy via digital platform ang Star Magic Workshops ngayong 2021.

Star Magic Summer Workshop class 2021, aarangkada ngayong Mayo

Tuloy via digital platform ang Star Magic Workshops ngayong 2021.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/20/2021 04:31 PM
Star Magic Summer Workshop class 2021, aarangkada ngayong Mayo

Sa gitna ng iba’t ibang hamon ngayong taon, muling aarangkada via digital platform ang Star Magic Summer Workshop 2021.

Sa pangunguna ng Certified Chubbuck Technique acting teacher na si Rahyan Carlos, tuloy ngayong 2021 ang Summer Workshop para sa mga aspiring movie actors and actresses.


Si Rahyan Carlos ay ang ABS-CBN Star Magic Head of Artist Training and Workshops na susi sa likod nang matagumpay na acting career ng mga kilala at mahuhusay na bituin tulad nina Christian Bables, Coco Martin, Julia Barretto, Jake Cuenca, Anna Luna, Ejay Falcon, Alora Sasam, Ynna Asistio, Rocco Nacino, Sandino Martin, Arjo Atayde, Paulo Avelino, Joshua Garcia, and Charlie Dizon.

At ngayong aarangkada ang workshop sa digital platform, sinisigurado ni Carlos na magiging epektibo ang paghasa ng talento ng future movie actors and actress.

“One is we have rules and regulations. So the moment you enroll in our class we have first the orientation. Orientation, sasabihin na agad sa’yo ang expectations and all that and napaka importante rin na hindi malaki ang class namin,” bungad ng direktor sa naganap na virtual media conference.

Ayon pa sa direktor, mas intimate kung kaniyang ilalarawan ang pag-aaral ngayon sa Star Magic Workshop dahil mas tutok sila sa bawat ginagawa ng kanilang mga enrollees.
 
“We have limited slots per class. Kasi example, hindi puwedeng lumagpas ng more than 20 ang isang class, kasi mag second page na doon sa online. And since were doing it over zoom, so may mga rules kami like logging in. Kasi napaka importante na chi-ne-check namin ang bawat signal ng bawat isa kapag nalalaglag sila. Kasi yun ang pinakamahirap e,’” ani Carlos.

Limitado man ang bawat galaw, hindi naman maiiwan ang bawat estudyante sa kanilang magiging acting activities.

“Hindi talaga spontaneous yung pagtuturo naming kasi hindi siya real time or kapag nawala ‘yung student. So every now and then, I have a staff na kunwari nalaglag ang estudyante, or hindi niya nakuha or hindi niya na pick up, bibigyan naming siya ng recap for that,” paliwang pa niya.

New normal man ang set up, aminado ang acting coach at direktor na iba pa rin ang face to face acting class.

“In acting, nothing beats the physical workshop. Sinasabi nga namin na we can’t really do spontaneous improvisation through Zoom and online. Kasi, the mere fact lang na hindi mo pwede paghawakin ang artista ko, hindi talaga magagawa although, may mga dos and don’ts pero it’s like a blessing in disguise na, mas naging, parang – nakikikta ko rin sila as long as nasa camera sila and their camera is working,” pahayag pa niya.

Sa ngayon, tuloy pa rin ang pagtanggap ng mga enrollees ang Star Magic Summer Workshop para sa pagbubukas ng class this coming May 2021.

For more information Go to Star Magic Workshop Facebook page at https://www.facebook.com/Starmagicworkshops or on Instagram account: @abscbnstarmagicworkshops. “Click the google document link attached in the post and fill up the information as needed. Wait for our email for the scheduled date of orientation. After the orientation, you will be given instructions on how to pay your workshop fee. You can also email us at starmagicworkshops@abs-cbn.com or text or call us at +639493975417. This will be on a first come, first serve basis,” ayon sa Star Magic

—KE