• Home
  • Fresh Scoops
  • Binilhan ni Zeinab Harake ang kanyang ina ng bagong sasakyan bilang regalo para sa kaarawan nito.

PANOORIN: Zeinab Harake, sinorpresa ang kanyang ina ng bagong sasakyan

Binilhan ni Zeinab Harake ang kanyang ina ng bagong sasakyan bilang regalo para sa kaarawan nito.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/20/2021 01:00 PM
PANOORIN: Zeinab Harake, sinorpresa ang kanyang ina ng bagong sasakyan
Screenshot from Zeinab Harake YouTube Channel

Sinorpresa ng vlogger na si Zeinab Harake ang kanyang ina ng isang sasakyan bilang regalo sa mismong kaarawan nito. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)


 

Ayon kay Zeinab, naisipan niyang isorpresa ang kanyang nanay sa kadahilanang alam niyang wala siya sa posisyon niya ngayon kung hindi dahil dito. 

“Birthday ng aking mama and naisipan ko siya i-surprise. Ang dami kong pasabog noong nakaraan. Pero ngayon, magpapasabog uli ako pero hindi naman para sa akin kundi para kay Mama kasi wala ako kung nasaan ako ngayon, walang mga pasabog na kung anek-anek kung hindi dahil sa kanya,” ani Zeinab.

Dagdag pa ng vlogger, mas natutunan niyang bigyan ng halaga ang kanyang ina lalo na ngayon na nagdadalang-tao siya. 

READ: Vlogger na si Zeinab Harake, buntis sa unang anak nila ni Skusta Clee

“Ngayon ko na-appreciate na mahirap pala talaga ang maging isang ina. Mahirap pala magdala ng bata sa tiyan hanggang sa paglaki. So, ngayon ko siya na-appreciate ng sobrang-sobra. And ngayon, hindi lang appreciation ‘yung gagawin natin para sa kanya kundi isu-surprise natin siya,” saad ni Zeinab. 

Bagama’t masaya siya na nabigyan niya ang kanyang nanay ng bahay noon, natutunan umano niyang mas pahalagahan ang kanyang ina. 

“Dati pangarap ko noong bata ako, ‘pag dumating ‘yung araw na may pera na ako, gusto ko mabilhan ng bahay ‘yung mama ko. And nagawa ko ‘yun nu’ng 18 years old ako. Nagawan ko siya ng bahay. Hindi pa ako vlogger nu’n ha may bahay na kami. Tapos makita ko lang na hindi kami hikahos sa buhay, masayang-masaya na ako,” saad ni Zeinab.  

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Zebby (@zeinab_harake)

 

Dagdag pa niya: Ngayon, sa dami ng blessing na dumating sa’ken, hindi pwedeng mawawala siya sa mga milestone na nakukuha ko. Kasi kung hindi dahil sa kanya, wala akong ganu’n o wala ako sa posisyon ko,” saad ni Zeinab. Dagdag pa nito: “Ito na ‘yung bawi ko sa lahat-lahat ng paghihirap mo — sa’ken, sa’min magkakapatid.

“Itong gift ko sa kanya, hindi sa kanya nanggagaling ‘to. Pero madalas niyang sinasabi sa ibang taong malalapit sa’min na gusto niya ng ganitong gift kasi kailangan niya. And nasakit din ang puso ko ‘pag nagsesend si Mama na nagje-jeep silang dalawa ni Lucas. Mas importante nang may sasakyan si Mama so binilhan ko siya ng sasakyan,” saad ni Zeinab. 

READ: Zeinab Harake channels six Disney princesses in maternity shoot

Hindi naman napigilan ng ina ni Zeinab na maging emosyonal nang makita ang inihandang sorpresa ng kanyang anak para sa kanya. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Bagama’t masaya siya sa sorpresa na ibinigay sa kanya ni Zeinab, sinabi naman ng ina ng vlogger na sana inuna na lang nito ang gastusin para sa panganganak nito — bagay na kinontra ni Zeinab dahil may nakalaan na umano para rito.