• Home
  • Fresh Scoops
  • Ikinuwento ni Heaven Peralejo na iba ang atake ng COVID-19 sa kanyang katawan at pati na rin sa kanyang mental state.

Heaven Peralejo, ibinahagi malalang dinanas sa COVID-19

Ikinuwento ni Heaven Peralejo na iba ang atake ng COVID-19 sa kanyang katawan at pati na rin sa kanyang mental state.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/20/2021 12:00 PM
Heaven Peralejo, ibinahagi malalang dinanas sa COVID-19
Photo Credit: @heavenperalejo Instagram

Balik-trabaho na muli si Heaven Peralejo, na isa sa mga lead stars ng Kapamilya show na “Bagong Umaga”.

Matatandaan na isa si Heaven sa mga bituin na hindi nakalagpas na mahawahan ng COVID-19 virus.

Sa naging panayam ng Cinema News Home edition, nagbalik-tanaw si Heaven sa kaniyang naging pakikipaglaban sa COVID-19.


Kuwento ni Heaven, iba ang naging atake sa kaniya ng virus.

 

 

READ: Heaven Peralejo tests positive for COVID-19

“Physically, hindi po ako nagkaroon ng ubo sipon lagnat, more on shortness of breath and fatigue, desaturation and body pains so noong time po na ‘yun yung desaturation of oxygen level ko, it went down to 71. Sobrang lala na po talaga and it was fluctuating,” bungad ng Kapamilya star sa panayam.

Patuloy niyang kuwento: “They gave me an oxygen tank for a few days, tina-try ko po talaga, pero it got so critical na I had to go to the hospital to be confined kasi parang ang hirap na po talaga and parang I can’t even walk kasi ganun na po talaga ako kapagod and ang sakit na po ng puso ko.” 

Ayon kay Heaven, bukod sa hirap ng katawan na kaniyang naranasan, isa rin sa naging pasakit ang kaniyang labis na pangamba para sa sarili.

“It got to a point na I had breakdowns and siyempre 'pag ikaw lang mag-isa parang mas mapi-feel mo lahat. Noong time na ‘yun parang nasaan na yung will to live ko, and I was crying. I couldn’t find the will to survive, parang ano pa ba ang pinaglalaban ko sa buhay na ‘to,” emosyonal na tugon ng Kapamilya star.

Sa gitna rin ng quarantine period ni Heaven, hindi niya itinanggi na may hindi magagandang bagay na sumasagi sa kaniyang isipan.

 

 

“More off yung last, last na kita namin, yun na ba ‘yun? Parang pwede ba na hindi muna, kasi gusto ko pa kayo makita? Pwede ba na gusto ko pang makita ang pamilya ko, kasi before ko malaman na positive ako, naka lock in rin ako, so I think it was a week the last time I saw them, so parang sobrang na home sick talaga ako and gustong gusto ko rin ‘yung lambing ng ina, ‘yung hug ng ina so I was longing for that,’” malungkot na kuwento ni Heaven.

Sa tulong ng moral support ng mga kaibigan at pamilya, pinilit na lumaban ni Heaven mula sa pagsubok na pinagdaraanan.

READ: Heaven Peralejo denies involvement in Devon Seron-Kiko Estrada breakup

“My best friend told me na kung hindi mo kayang humugot from yourself, hugot ka sa pamilya mo and then napaisip ako then I stopped. And then nag-Facetime kami ni mom. Nakita ko kung paano niya ako pinaglalaban and nakita ko kung paano niya ako --- and that’s how I knew na I can’t be selfish and I have to be selfless and I have to think of my mom too, I can’t let her suffer so I have to fight,” kuwento pa ni Heaven.

Emotionally unstable man, pinilit rin na magkaroon ng positibong pananaw ni Heaven.

 

 

“Thru Facetime, mayroong time na nalaman ko na may pneumonia po ako, so ako po, parang mas doon ako iyak ng iyak sa mom ko, nagulat ako kasi umiyak ako ng umiyak sa mom ko and then ‘yung mom ko bigla siyang nawala sa screen nakalamutan niya na may airpods pala siya, and then she was crying pero I heard, mas lalong masakit, sobrang sakit na marinig na umiiyak ‘yung nanay mo and tina-try pa rin niya na I-lighten up ‘yung mood, na hindi, kakayanin natin to, bukas papadalahan kita ng shades ng cheek tint. Kailangan mong magligaya, through the tears, nagpapatawa pa rin siya. Tapos sinasabi niya sa akin ‘nako kailangan mo magpagaling kung hindi ako ang pupunta diyan’ so parang sabi ko ‘Ma hindi’. Cancer survivor po kasi ang mom ko and parang china-challenge niya lang ako, sabi niya hindi kailangan mo gumaling sa pneumonia, gagawin mo lahat ang paraan kasi gusto kitang makita.”

At ngayong fully recovered na siya, mas nais ni Heaven na gugulin ang maraming oras sa kaniyang pamilya.

“As time went by, parang doon ko nakita na iba pala talaga ang COVID, that’s when I realized na dapat pala we should take it seriously.  And for everyone na kailangan po nila sundin ang safety protocols hindi lang para sarili nila, kundi para na rin sa ibang tao, na you might be a carrier, na hindi mo po alam na baka mamaya, iba pala yung epekto sa kanya ng COVID, like mine, I think we should be more selfless talaga,” huling pahayag ni Heaven.