• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Init Sa Magdamag’ actor Gerald Anderson talks about his latest sexy drama series with Yam Concepcion and JM De Guzman.

Gerald Anderson proud of new leading lady Yam Concepcion: ‘She’s very passionate’

‘Init Sa Magdamag’ actor Gerald Anderson talks about his latest sexy drama series with Yam Concepcion and JM De Guzman.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

04/20/2021 09:53 AM
Gerald Anderson proud of new leading lady Yam Concepcion: ‘She’s very passionate’
Photo Credit: @starcreativestv Instagram

After shooting daring scenes with new leading lady Yam Concepcion for Init Sa Magdamag, Gerald Anderson said he was impressed with her work.

“Nagkasama kami before sa isang movie namin ni Sarah (Geronimo) pero parang one day or two-day shoot lang si Yam dun so mabilis lang. First time namin magkasama sa work and then yung unang lock-in namin kasama yung mga scenes na naka-brief lang ako, kasama yung mga scenes na nasa batis kami, nasa falls kami. It was a challenge kasi wala kaming pinagsamahan. We’ve never had a conversation but gusto ni Yam yung ginagawa niya eh. She’s very passionate sa trabaho niya and very professional.

“So pag ganun yung kasama mo, kumbaga nababawasan yung trabaho mo bilang leading man. Siyempre kailangan mo gumawa ng paraan to break the ice. She’s very humble, down-to-earth, madali kausap. So madali lang. And pag ganun yung kasama mo it makes everything lighter,” he said.


WATCH: Yam Concepcion, Gerald Anderson at JM de Guzman, ibinahagi ang mga dapat abangan sa Init sa Magdamag

Playing the role of community doctor Christopher “Tupe” Salcedo in the series, Gerald explained how he was able to get into character.

“Yung sitwasyon ni Tupe nalagay rin ako sa sitwasyon na ganun sa buhay ko and makaka-relate ako. Pero dapat abangan kung ano yung mga challenges na haharapin niya. Yung sitwasyon dito ni Tupe yung character ko sa Init Sa Magdamag, marami siyang hinaharap na obstacles. Marami siyang hinaharap na problema.

“And sa tagal ng taping namin and yung talagang pumasok ako sa buhay ni Tupe, ramdam ko talaga yung paghihirap niya so hindi ko kailangan kumuha sa personal life ko because yung pinagdadaanan niya nakakaawa din. Kumbaga magkakaroon kayo ng simpatiya sa pinagdadaanan niya. Yung hinaharap niya at saka yung motivation niya para lagpasan lahat yan para sa pagmamahal niya, para sa pamilya niya, para sa community niya, hindi ko kailangan kumuha ng outside motivation para dun dahil napakabuti ng puso niya.

“Tinanong ko nga sarili ko kung kaya ko ba gawin ito? Kaya ko bang gawin yung mga sacrifices ni Tupe? Parang dun ko kinuha na personal challenge siya at yung realization na iba iba magmahal yung tao. Human nature natin na we are very judgmental sa relationship ng ibang tao, sa sitwasyon ng ibang tao. Grabe tayo magbigay ng judgement pero hindi naman natin alam yung sitwasyon nila di ba? Dun ako na-challenge, kung paano magamahal si Christopher Salcedo,” he explained.

READ: Gerald Anderson on trending ‘underwear’ scene: ‘Ganyan suot ko araw-araw’

With the show’s trailer featuring steamy scenes between him and Yam, Gerald said that he is focusing more on doing well in his acting more than his reputation as one of the country’s most desired actors.

“Siyempre nakaka-flatter siya talaga na may mga gusto rin sa iyo. Pero by now alam niyo na ang pinaka importante sa akin is makapagbigay ako ng character at magandang kuwento. And I think kahit papaano kaya ako nag-last sa industriya na ito kasi yun yung pinaka priority ko. Kumabaga yung role ni Tupe, alam ko may mga scenes kami ni Yam na medyo sexy so paghahandaan ko. Yung mga tao, they will take time out of their lives para panuorin kami. I have to give them something worth it, something na quality. Siyempre flattered ako lagi,” he said.

As a loyal Kapamilya star, Gerald said he will always be thankful to his home network for his thriving career.

“Sobrang grateful ako. I think alam naman nila yun. As an actor, as a person, bilang isang artista ng ABS-CBN, dun ko talaga nakukuha yung motivation ko, sa gratitude. Sa pagpili ng projects nandun ako sa legacy, sa kung ano yung maiiwan ko after ko mag-retire or 10 years from now ano yung mga projects na maiiwan ko. Gusto ko pag naalala ako ng tao, laging maganda yung projects na ginagawa ko. I’m just very grateful and it’s been a great relationship. Ako with ABS-CBN and yung priority din nila to give quality projects sa mga tao and yun din yung number one motivation ko sa career ko,” he added.