• Home
  • Fresh Scoops
  • Angelica Panganiban shares why she is still thankful despite the franchise denial of her home network last year.

Angelica Panganiban on the brighter side of ABS-CBN shutdown: ‘Parang mas lumawak lang yung mundo’

Angelica Panganiban shares why she is still thankful despite the franchise denial of her home network last year.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

04/19/2021 09:57 AM
Angelica Panganiban on the brighter side of ABS-CBN shutdown: ‘Parang mas lumawak lang yung mundo’
Photo Credit: @iamangelicap Instagram

Looking back on her first lock-in taping experience last year for her series Walang Hanggang Paalam, Angelica Panganiban said she is thankful for the stringent adherence to safety protocols while shooting their show out of town.

“May mga kapraningan moments ka sa set parang lalo na nung mga unang araw na parang ayaw mo talaga lumapit sa mga tao. Hanggang sa naging panatag ka na lang kasi nakikita mo kung gaano ka-safe yung mga protocols na binigay nung network para sa safety ng lahat. Naging responsible sila enough kasi dinala nila kami dun, kumbaga iuuwi nila kami ng safe din kami sa mga bahay namin. Sobrang thankful kasi wala namang nangyaring kahit anong masama sa lahat sa amin,” she said.

READ: Angelica Panganiban on starring in ‘Walang Hanggang Paalam’: ‘Ang sarap sa feeling na mabigyan ka ng trabaho’


Angelica said there were a lot of memorable moments on their set with her co-stars Paulo Avelino and Zanjoe Marudo.

“Parang gabi gabi may mga unforgettable moments. Ang dami eh kasi nga tumagal na ng tumagal yung samahan and wala naman kayong choice kundi harapin yung isa’t isa kasi kayo kayo lang yung magkakasama. Parang kahit punong puno ka na sa kasama mo, siya pa rin yung kaharap mong kumain. So dun pa lang alam mo na kung gaano kalalim yung bonding eh.

“Nakakatawa siya pag nag-ba-buckle kami, nabubulol kami sa mga eksena. Ginagawa ko na lang na contest eh. Binibilangan ko sila. Actually top 1 si Pau laging may mga bloopers (laughs). So masarap sa set. Masarap yung mga kalokohan na pinaggagagawa namin, mga naiimbento namin. May mga pa-awards night na lang kami. Binibigyan namin ng awards yung isa’t isa.

“So wala, kailangan mong aliwin mo yung sarili mo kapag wala ka sa pamilya mo and sa comfort zone mo, sa bahay mo. Gagawin niyo dapat na pinakamasaya at punong puno ng kalokohan lang yung pinagagagawa niyo para din malibang ka,” she recalled.

WATCH: Angelica Panganiban | PUSH Evolution

Angelica said that after doing the rom-com series Playhouse with Zanjoe in 2019, she was happy to work with him again and counts her love story with him onscreen in Walang Hanggang Paalam as one of her favorite scenes.

“Gusto ko kung paano natapos yung story ni Anton, yung role ni Zanjoe. Dito mo pa lang siya mapapanuod sa atin, dito sa ating trabaho dito kaya wow, talaga? Ang galing. Level up. Ang galing pa ni Z,” she added.

READ: Angelica Panganiban on retiring from teleseryes: ‘Deserve ko rin naman sigurong magpahinga’

Despite having to work under strict conditions during the pandemic and a network shutdown last year, Angelica said there is still a lot to be thankful for this year.

“Siguro mas maganda na lang ngayon tingnan yung positibong nangyari sa show di ba? Kumbaga natanggalan ng franchise, natanggalan ng isang network, pero pinapalabas naman ngayon kung saan saan. Parang mas lumawak lang yung mundo. Ganun naman eh, kailangan niyo mag-move on, kailangan niyo tanggapin kung ano yung nangyari. pero hindi mo tatanggapin ng basta basta dahil alam mo sa sarili mo na pinaglaban mo kung ano yung mahal mo. And hindi lang naman yun sa akin, sa buong nagmamahal at nainiwala sa ABS-CBN. Kitang kita yung ginawa nila para sa kumpanya. Kumbaga sa dulo kailangan mo isipin na ginawa namin ang lahat and eto talaga yung nangyari and tingnan niyo naman ngayon, nasa free TV na ulit, may Kapamilya channel, may Jeepney channel, sa iWantTFC and mas dumami kumbaga yung platforms kung saan kami napapanuod. Kaya kahit papaano napaka-thankful pa rin,” she said.

Currently in a relationship with her non-showbiz boyfriend, Angelica shared her opinion on what it means to win when it comes to love.

“Dun pa lang sa pagkakataon na may nagmamahal at meron kang mahal, parehas na kayong panalo dun eh. Never siya magiging competition. Lahat sa love fair kaya nga love wins. Kumbaga nag-se-celebrate tayong lahat. Hindi siya yung pang-sarili mo lang na ikaw lang yung mag-ge-gain at ikaw lang yung mananalo kasi hindi na siya fair. Kahit ano mang kalabasan ng relationship niyo, mag-fail man kayo dun, pero dahil nasubukan mo magmahal sa buhay mo, panalo ka na dun,” she said.