• Home
  • Fresh Scoops
  • Nagsalita tungkol sa umano’y isyu ng pambabae ni Jayzam Manabat ang sikat na YouTuber na JaMill. 

TINGNAN: Camille Trinidad nagsalita na tungkol sa umano’y isyu ng pambabae ni Jayzam Manabat

Nagsalita tungkol sa umano’y isyu ng pambabae ni Jayzam Manabat ang sikat na YouTuber na JaMill. 

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/18/2021 09:34 AM
TINGNAN: Camille Trinidad nagsalita na tungkol sa umano’y isyu ng pambabae ni Jayzam Manabat
Photo credit: @camilleptrinidad and @jayzamlloyd Instagram

Usap-usapan ngayon sa social media ang mga umano’y pambabae ng YouTuber na si Jayzam Manabat at ang naging tugon ng kanyang nobya na si Camille Trinidad. 

Matapos kumalat ang screenshots ng mga naging pag-uusap nina Jayzam at ng mga babaeng umano’y sangkot sa kanilang hiwalayan, kaagad na nagsalita si Camille sa social media bilang tugon sa mga kaganapan. 


Ani Camille, pinili niyang magsalita upang basagin ang kanyang katahimikan kaugnay sa sakit na kanyang nararamdaman. 

“Gusto ko nalang din mag salita. Kasi hindi matatahimik yung isip ko dahil sa sobrang sakit ng nangyare sa akin,” saad ni Camille. 

Dito, ibinahagi ni Camille ang mga totoong nangyari at pinangalan ang mga tao na nandoon noong mga panahong nangyari ang mga nasabing kaganapan. 

READ: YouTube couple Jamill release their single ‘Tayo Hanggang Dulo’ under Star POP

Bagama’t inamin niyang nasaktan siya sa mga pangyayari, ayaw naman umano niyang sayangin ang kanilang nabuo ni Jayzam. 

“Sana next time bago niyo gawin isipin niyo muna ‘yung sakit na dadalhin ng tao, ‘yung sakit na hindi madaling kalimutan. Oo walang perpekto alam natin ‘yan. Pero mahal ko ‘yung tao at hindi ko sasayangin ‘yung kung anong binuo namin simula umpisa. God knows nag papasalamat ako kasi lumabas din lahat. Kaya siguro hindi ako mapakali palagi kasi may ganito pala. Mabait pa din sa akin ang Diyos kasi nalaman ko lahat. Hindi ko na ito ivinideo kasi hindi ko kaya. Sa sobrang bigat,” ani Camille. 

Nagsalita din si Jayzam sa Facebook at ibinahagi ang dahilan kong bakit niya piniling sabihin kay Camille ang mga nangyari.

“Inamin ko na lahat kay Camille. Ayaw ko nang gumaya sa iba na mag tatago pa at itatanggi pa. Lahat ng sinabi ni Camille totoo, hinarap ko ng buo. Pasensi ya na sa mga nadismaya sakin, naiintindihan ko po lahat ng hate at galit, deserve ko po,” saad ni Jayzam. 

LOOK: Alex Gonzaga collaborates with JaMill

“Wala nang ibang mas iimportante sakin kundi ang pamilya namin at si Camille. Sinabi ko na lahat sa kanya, lahat po ng sinabi nya. Sa akin po mismo nanggaling ‘yun at inaamin ko po lahat ng iyon. Bilang lalaki. Maraming salamat sa mga nag mamalasakit na nag chachat saamin ngayon maraming salamat po. Sa pag kahulog namin, mas lalo naming nakikilala kung sinong andito para saamin at kung sinong totoo sa amin,” dagdag pa nito. 

Sa huli, inamin ni Jayzam na alam niyang hindi deserve ni Camille ang mga nangayari sa kanilang dalawa at sinabing: “Mahal na mahal kita Camille. ‘Di mo deserve ang Jayzam na kagaya ko.”

Sunod-sunod din ang naging paglalabas ng saloobin ni Camille sa Twitter na sinabing hindi niya umano inaasahan na mararanasan niya ang mga nangyayari ngayon sa kanya. 

Kilala sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad bilang JaMill.