• Home
  • Fresh Scoops
  • Ibinalita ng aktres na si Coney Reyes na natanggap na niya ang unang dose ng bakuna laban sa COVID-19.

Coney Reyes, nabakunahan na kontra COVID-19

Ibinalita ng aktres na si Coney Reyes na natanggap na niya ang unang dose ng bakuna laban sa COVID-19.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/17/2021 07:26 PM
Coney Reyes, nabakunahan na kontra COVID-19
Photo credits to @coneyreyes IG stories

Natanggap na ng beteranang aktres na si Coney Reyes ang kanyang corona virus vaccine nitong Sabado, April 17. 

Kasunod ito matapos sabihin ng kanyang anak na si Pasig City Mayor Vico Sotto na walang special treatment sa vaccination program ng lungsod. Naging controversial kasi ang ibang vaccination programs sa bansa dahil sa ilan umanong ‘singit’ sa priority list kung saan kabilang sa listahan ang mga medical frontliners at senior citizens. 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Coney Reyes (@coneyreyes)


"Nanay ko nga mismo hindi pa nababakunahan. 67 years old po ang nanay ko, may comorbidities din po siya... Walang palakasan, dumaan po sa tamang proseso. Nag-fill up siya ng form. Hinihingi pa nga niya sa 'kin 'yung link, sabi ko, 'Ma, tingnan mo na lang sa PIO,'" ani Mayor Sotto. 

Sa kanyang Instagram stories, ibinahagi ng aktres na natanggap na niya ang unang dosage ng bakuna. Sa kanyang picture, hawak ni Coney ang karatulang “I got vaccinated.”

Kamakailan lang din ay nagpost sa kanyang social media account ang Kuya ni Mayor Sotto at dating aktor na si LA Mumar tungkol sa pagtanggap ng bakuna laban sa COVID-19. 

“I rarely post anything political but to all of you asking/wondering why my wife and I have NOT BEEN VACCINATED YET since my brother is the Mayor. My mom didn't skip the line. Vico didn't skip the line. Why would I?” sabi nito sa Twitter. 

Dagdag pa ni LA, “Shouldn't we hold on to our values more, when things are difficult? What will I tell my children? It's OK to do something illegal because it's convenient? My 3 boys are watching me, people around are watching, and most importantly, God is, too.” Mumar added. 

Noong isang buwan pa nagsimula ang lungsod ng Pasig na kanilang programa sa bakuna kontra sa corona virus.