• Home
  • Fresh Scoops
  • What is Diego Loyzaga’s wish for his first birthday celebration with Barbie Imperial?

Diego Loyzaga shares what he loves most about girlfriend Barbie Imperial

What is Diego Loyzaga’s wish for his first birthday celebration with Barbie Imperial?

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/16/2021 06:30 PM
Diego Loyzaga shares what he loves most about girlfriend Barbie Imperial
Photo credit: @diegoloyzaga IG

Masayang ibinahagi sa PUSH ni Diego Loyzaga kung ano para sa kanya ang best traits ng girlfriend na si Barbie Imperial. Para daw nanay and at the same time ay baby si Barbie.

“Si Barbie can be the most maternal person in the sense na para siyang nanay kung mag-alaga. But at the same time, para rin siyang baby. Yon naman yung gustung-gusto ko kasi baby ko siya,” paglalarawan ng aktor sa kasintahan.

“Gusto ko rin naman na ako yung nag-aalaga. I like how she can bring out the best in me and take care of me at the same time. Kapag siya naman, kapag kailangan niya ng alaga, hinihingi naman niya sa akin. And for me, big deal yon,” dagdag ni Diego.


Diego will be celebrating his 26th birthday on May 21. Ito ang first birthday niya na magkarelasyon sila ni Barbie. Ano nga ba ang kanyang birthday wish?

“Sana matapos na itong COVID. Yon lang talaga, sana matapos na ang COVID. Ang dami nang nahihirapan, ang daming gustong makasama yung pamilya nila, mga kaibigan.

“Ang hirap. Hindi nga tayo makapag-shooting. Hindi tayo makakilos. Gusto natin magtrabaho. The whole world is affected and sana mabawasan na yung hirap ng mundo,” tugon ng aktor.

Samantala, tuluy-tuloy ang trabaho ngayon ni Diego sa Viva pagkatapos niyang pumirma ng exclusive contract last year. Bida ang aktor sa mystery love story movie na Death of a Girlfriend na mapapanood sa VivaMax at sa iba pang streaming platform simula April 30. Kapartner niya dito ang isa pang Viva artist na si AJ Raval.

“Simula noong magbalik ako, then starting 2021 dumating talaga lahat. I have to thank the management (VAA) for trusting me and thank God for all of this and I’m happy.

“Mas focused ako sa ginagawa ko ngayon at mas alam ko na ang dapat kong gawin. I just have to make sure na to keep on doing what is right,” huling pahayag ng anak nina Teresa Loyzaga at Cesar Montano.

Death of a Girlfriend is directed by Yam Laranas.