John Arcilla nanawagang maging makatao sa gitna ng COVID-19 crisis | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

John Arcilla nanawagang maging makatao sa gitna ng COVID-19 crisis

John Arcilla nanawagang maging makatao sa gitna ng COVID-19 crisis

Leo Bukas

Clipboard

Hindi napigilan ni John Arcilla ang magkomento sa diumano’y patuloy na pagpapahirap ng ilang negosyante sa mga Pilipinong nakararanas ng health crisis dahil sa COVID-19. Isa sa pinuna ni John ay ang mataas na presyo ngayon ng oxygen tank na ginagamit ng mga pasyente sa ospital at ibang isolation centers.

“Yung oxygen concentrator na kelan lang ay 17K ngayon ay 32K na. Napakasakit na kung kailan walang pera ang tao, yung iba lahat ng pagkakataon na negosyohin ang mga health needs ng tao ay nenenegosyo. Hindi para sa kaligtasan ng kapwa,” simulang pahayag ni John sa kanyang Facebook account.

Naniniwala si John na dahil sa kasakiman ng ilang negosyante kaya ganito ang nangyayari ngayon sa bansa. Nanawagan din ang aktor na sana ay labanan natin ang ganitong ugali lalo na sa panahon ng crisis.

“Bakit ganito na tayo? Parang mas marami pang nagkakasakit at nababawian ng buhay dahil sa sama ng loob at dahil sa kasakiman ng iba at hindi dahil sa pandemya.

ADVERTISEMENT

“Labanan naman natin ang ugaling ganito. Mas kailangan nating maging makatao sa gitna ng krisis na ito. Dapat may regulating committee din dito para hindi kanya-kanyang trip ng presyo,” lahad pa ng gumaganap na Renato Hipolito sa Kapamilya serye na FPJ’s Ang Probinsyano.

Nagbigay din siya ng mensahe sa mga kababayang Pinoy na pinanghihinaan na ng loob.

“Sa mga kababayan ko na pinanghihinaan, tatagan natin ang ating loob alang-alang sa mga mahal natin sa buhay. Hindi nila maaagaw sa atin ang tatag ng loob. Huwag nating hayaan na manalo ang kasakiman ng iba kapalit ng ating kaligtasan,” pagdidiin ni John.

Sa isa pang FB post ni John ay nag-ala Heneral Luna siya na nanawagan sa mga Pilipino na iligtas ang bayan.

“Mas naiintindihan ko pa at mapapatawad yung mga mahihirap na napipilitan magnakaw dahil sa gutom at kagipitan kesa do’n sa mga taong may mataas na pinag-aralan at katungkulan pero nagnanakaw sa bayan.

“Botante ka? Iligtas mo ang bayan natin. Hindi po ako kakandidato. Nagpapaalala lang,” huling pahayag ng award-winning actor.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.