• Home
  • Fresh Scoops
  • Hindi naman maitanggi ni JM De Guzman ang kanyang kagustuhan na pumasok sa isang relasyon.

JM De Guzman, gusto munang makapagtayo ng bahay bago muling pumasok sa isang relasyon

Hindi naman maitanggi ni JM De Guzman ang kanyang kagustuhan na pumasok sa isang relasyon.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/15/2021 04:10 PM
JM De Guzman, gusto munang makapagtayo ng bahay bago muling pumasok sa isang relasyon
Photo Credit: @1migueldeguzman Instagram

Ibinahagi ng aktor na si JM De Guzman ang kanyang dahilan kung bakit hindi pa siya handang pumasok sa isang relasyon ngayon. 

 

 

Sa panayam ni JM sa King of Talk na si Boy Abunda, maraming ibinunyag ang aktor kabilang na ang pinagdaanan niyang depresyon dahil sa pagiging brokenhearted niya ng dalawang beses noon. 

“Twice. ‘Yung talagang depression and naparalisa ako,” kwento ni JM. 

READ: JM De Guzman says he didn’t have any hesitations accepting his role in ‘Init sa Magdamag’

Sinabi naman ni JM na walang ibang dapat sisihin sa mga nangyari sa kanila ng kanyang mga dating karelasyon kundi ang sarili niya. 

“Kasi I’m too dependent. Kailangan ko kasing ma-supplement sa void na meron ako. Like dependent ako sa mga bagay o tao na ito. Tas ‘pag nawawala sila, andun pa rin ang void. So if I’m not doing something about this void, it will just be a cycle. So I need to do something about it,” ani JM. 

Samantala, naging inspirasyon naman ni JM ang kanyang tagumpay sa kanyang karera upang ipagpatuloy niya ang kanyang laban. 

 

 

“Doing the things that I love the best way that I can. Being grateful, counting my blessings para hindi ako ma-stuck sa mga memories na ‘yun. Kinakausap ko ‘yung sarili ko, ‘Andito pa ‘yung pangarap mo, abot-kamay mo pa. Pwede pa, dito ka mag-focus,’” saad ni JM. 

Bagama’t apat ang naging karelasyon ni JM sa industriya ng showbiz, ipinaliwanag nito kung bakit dalawang beses lang siyang nasaktan noon. 

“’Yung dalawa kasi na ‘yun ‘yung naramdaman ko sa kaluluwa ko ‘yung love eh,” saad ni JM.

Ngayong limang taon na simula nang huli siyang pumasok sa isang relasyon, sinabi ni JM ang dahilan kung bakit hindi pa siya ready para sa isang commitment ngayon. 

 

 

“Gusto kong pahalagahan muna itong ibinigay sa akin at maging okay na tao, maging better than yesterday and in my mind na pangarap kong bahay, before I get into a commitment, naka-ready na para du’n,” ani JM. 

Inamin din ni JM na bagama’t takot siyang pumasok sa isang relasyon, hindi naman niya maitanggi ang kanyang kagustuhan na muling pumasok sa isang relasyon. 

READ: Arci Munoz explains courting video with JM De Guzman: ‘Wala lang, nagkatuwaan lang’

“Takot. Pero hindi ko ma-deny sa sarili ko na gusto ko na din. Gusto ko na mag-commit, gusto ko ng relasyon. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

Bibida naman sa seryeng Init Sa Magdamag si JM De Guzman.