• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa ang komedyanteng si Dennis Padilla sa mga tinamaan ng sakit na COVID-19.

Dennis Padilla, na-ospital ng 12 araw dahil sa COVID-19

Isa ang komedyanteng si Dennis Padilla sa mga tinamaan ng sakit na COVID-19.

BY
Pau Benoza

Twitter: @pauleaaa

FRESH SCOOPS

04/15/2021 11:16 AM
Dennis Padilla, na-ospital ng 12 araw dahil sa COVID-19
Photo Credit: @dennisastig Instagram

Isa ang komedyanteng si Dennis Padilla sa mga tinamaan ng sakit na COVID-19.

Sa panayam ng DZRH noong Martes, Abril 13, ibinunyag ni Dennis na na-ospital siya ng 12 araw dahil sa kanyang mga sintomas. 

 


 

Kwento niya: “Noong first, second, third day, tinataas ko lang ‘yung kamay ko. Sabi ko, ‘Lord, hindi ko alam kung ito na ‘yun.'

"'Sana mapagbigyan Mo pa ako ng isa pang pagkakataon, kasi maliliit pa ‘yung mga anak ko. Sana, You can give me another chance for life.'"

Ayon kay Dennis, sa kanyang mga anak siya humugot ng lakas habang naka-confine dahil sa COVID-19. Kwento niya, halos gabi-gabing tumatawag sa kanya ang kanyang mga anak sa dating asawa na si Marjorie Barretto—kabilang na ang aktres na si Julia Barretto—upang kumustahin ang kanyang kondisyon at magpaabot ng kanilang suporta.

“Halos every night ko sila nakakausap. She was telling na all of them are praying hard for me," aniya.

“Ang paniwala ko, mukhang pinakamalakas na pakinggan ng Panginoon ‘yung mga dasal ng mga anak ko," patuloy pa niya. "They were praying for their father. They were praying for my recovery. They were praying na mawala na lahat yung infection ko sa lungs."

BASAHIN: Mensahe ni Dennis Padilla para kay Gerald Anderson: ‘Huwag mong lolokohin’

Nag-negatibo na umano si Dennis, 59, sa COVID-19. Ayon sa kanyang social media updates, na-confine ang aktor sa Capitol Medical Center sa Quezon City.

Bukod kay Dennis, ilan pa sa mga artistang tinamaan ng COVID-19 ay sina Christopher de Leon, Sylvia Sanchez, Cherry Pie Picache, Iza Calzado, Sunshine Cruz, Angeline Quinto, Nikki Valdez, Angel Jones, Bianca Lapus, Heaven Peralejo, at Riva Quenery.
 
Sa tala noong Miyerkules, Abril 14, umabot na sa 892,880 ang kabuuang bilang ng mga kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.