• Home
  • Fresh Scoops
  • Isang mensahe ang ibinahagi ni Carlo Aquino sa publiko matapos na makatanggap ng ‘death threat’ ang kanyang anak na si Enola Mithi.

Matapos ang pagbabanta sa kanyang anak, Carlo Aquino may mensahe sa publiko

Isang mensahe ang ibinahagi ni Carlo Aquino sa publiko matapos na makatanggap ng ‘death threat’ ang kanyang anak na si Enola Mithi.

BY
Pau Benoza

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/15/2021 10:11 AM
Matapos ang pagbabanta sa kanyang anak, Carlo Aquino may mensahe sa publiko
Photo Credit: @jose_liwanag Instagram

Isang mensahe ang ibinahagi ni Carlo Aquino sa publiko matapos na makatanggap ng "death threat" ang kanyang anak na si Enola Mithi.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Carlo Aquino (@jose_liwanag)


 

Sa Instagram Stories, ibinahagi ng aktor ang official statement na inilabas kamakailan ng kanyang talent agency na Star Magic patungkol sa pamba-bash at pagbabanta sa mga anak ng ilan sa mga artista nito. 

Sa kanyang caption, sinabi ni Carlo: "Bakit pati mga sanggol o batang walang kalaban laban? Wala ba kayong mga anak? Pamangkin? Huwag naman sana ganun kawalang puso."

BASAHIN: Carlo Aquino and Trina Candaza denounce death threat on their daughter

Pakiusap naman niya sa publiko: "Ingatan natin ang mundong kakalakihan ng mga batang ito. Huwag nating hayaang maging marahas. Hindi lang para sa mga anak ng artista, pero para sa lahat."

Sa kanilang pahayag, sinabi ng Star Magic na lubos umano itong nababahala sa pamba-bash at pagbabanta sa buhay ng mga anak ng kanilang mga artista sa social media. 

"Ang ganitong uri ng mga post ay iresponsable, walang puso, at nakakapanakit lamang sa kapwa," sabi nito.

"Kasama kami ng aming artists sa pagtawag ng pansin sa mga posibleng paglabag sa mga batas laban sa child abuse at sa libel ng mga indibidwal na ito," dagdag pa nito.

Ayon pa sa Star Magic, hindi umano ito mag-aatubiling magsagawa ng ligal na aksyon upang mabigyan sila ng leksyon para sa sakit at trauma na kanilang naidulot.

Bukod sa anak ni Carlo, naging biktima rin ng online bashing ang anak nina Janella Salvador at Markus Paterson na si Jude Trevor.

BASAHIN: Markus Paterson, may bwelta rin sa bashers ng anak na si Jude

Setyembre noong nakaraang taon nang ipinakilala ni Carlo ang kanyang anak sa publiko.

Si Enola Mithi ay anak ng aktor sa kanyang nobya na si Trina Candaza, isang model.