• Home
  • Fresh Scoops
  • Handa umanong gumawa ng ligal na aksyon ang Star Magic laban sa mga bashers sa social media ng mga anak ng kanilang mga artista.

Star Magic, kinondena ang pamba-bash sa mga anak ng hinahawakang mga artista

Handa umanong gumawa ng ligal na aksyon ang Star Magic laban sa mga bashers sa social media ng mga anak ng kanilang mga artista.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/14/2021 09:13 AM
Star Magic, kinondena ang pamba-bash sa mga anak ng hinahawakang mga artista
Photo Credit: @superjanella Instagram

Naglabas ng pahayag ang ABS-CBN talent management arm na Star Magic kaugnay sa mga natatatanggap na pambabash ng mga anak ng hinahawakan nitong mga artista.

“Ang Star Magic ay lubos na nababahala sa pamba-bash at pagbabanta sa mga anak ng aming mga artista sa social media. Ang ganitong uri ng mga post ay iresponsable, walang puso, at nakakapanakit lamang sa mga kapwa,” saad ng Star Magic. 

Pagpapatuloy pa nito: “Kasama kami sa aming artist sa pagtawag ng pansin sa mga posibleng paglabag sa mga batas laban sa child abuse (Republic Act 7610) at sa libel ng mga indibidwal ba ito.” 


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Markus Paterson (@markus)

 

Sa huli, sinabi ng Star Magic na magsasama sila ng kaso laban sa mga magtatangkang abusuhin ang kanilang mga artista. 

“Hindi kami mga-aatubiling magsagawa ng ligal na aksyon upang mabigyan ng leksyon para sa sakit at trauma na kanilang idinulot.” 

Bagama’t hindi pinangalanan ng Star Magic kung sino ang mga artistang tinutukoy nila, matatandaang nabash kamakailan ang anak nina Janella Salvador at Markus Paterson. Parehas na hinahawakan ng Star Magic ang kanilang mga anak. 

READ: Janella Salvador blasts netizen for bashing son's face

Ani Janella, kaya niyang tiisin ang mga masasamang salita na gustong ibato sa kanya ng kanyang mga basher ngunit hindi niya maaatim na i-bash ang kanyang sariling anak.  

“Your humor must be really fu**ed up to make fun of a baby. I can take all the bashing in the world directed at me with grace, but direct it at my innocent son and you’ll definitely hear from me,” saad ni Janella sa kanyang tweet. 

Samantala, sinabi naman ni Markus nasusuka siya sa ginagawa ng mga basher na kanyang anak na hindi pa umaabot sa isang taong gulang. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Markus Paterson (@markus)

 

"Let's be honest. I'm no stranger to bashing. But come for my son and I will come for you,” ani Markus. 

"People like this make me sick, wala pang isang taon anak ko and ya'll making fun of a NEWBORN. Not gonna erase names, proud niyo eh,” dagdag pa niya. 

READ: Markus Paterson, may bwelta rin sa bashers ng anak na si Jude

Hiling naman ni Markus na sana ay mahanap nila ang saya sa kanilang mga sarili. 

"For the people in this post, I have no words other than I hope you someday find the happiness you need to fulfill that hole in your hearts. Maybe one day I can check on you all since I have your names,” ani Markus.