• Home
  • Fresh Scoops
  • Nilinaw ni Donnalyn Bartolome na hindi pa siya nagpaparetoke sa tanang buhay niya.

PANOORIN: Donnalyn Bartolome, sinagot ang tanong tungkol sa pagpaparetoke

Nilinaw ni Donnalyn Bartolome na hindi pa siya nagpaparetoke sa tanang buhay niya.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/14/2021 07:53 PM
PANOORIN: Donnalyn Bartolome, sinagot ang tanong tungkol sa pagpaparetoke
Photo credit: @donna IG

Sinagot ni Donnalyn Bartolome ang katanungan ng isang tagahanga patungkol sa pagpaparetoke. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Donnalyn 🇵🇭 (@donna)


 

Sa kanyang pinakabagong vlog kung saan naglaro siya ng “Sagot o Lagot,” sinagot ni Donnalyn ang mga nagbabagang katanungan ng kanyang mga tagahanga. Kabilang rito ang isang tanong tungkol sa pagpaparetoke. 

Paglilinaw ni Donnalyn, wala siyang ipinagawa sa kanyang katawan. “What do you guys think? Mukha ba akong may pinaretoke, guys? Eh di sana naman malaki-laki na ‘to. This is all God, guys,” saad ni Donnalyn. 

WATCH: Donnalyn Bartolome cries while unboxing items returned to her by ex-boyfriend

Ngunit ani ng vlogger, wala siyang masasabing masama sa mga taong gustong magparetoke. 

“Hoy guys, siyempre nothing against sa mga nagpapagawa. Pero kasi ako inaask niyo ako. I’m just answering na wala,” saad ni Donnalyn. 

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Tinanong rin sa nasabing vlog si Donnalyn kung anong edad niya gustong magkaroon ng asawa.  

“I don’t even know kung gusto kong mag-asawa. Gusto ko lang magkaanak. I’m not sure, really. Depende siguro when I’m in love, maybe I can answer that kung ano’ng edad ko gusto mag-asawa. But right now, sobrang sugatan ng puso ko. I don’t know if I’m game to get married,” saad ni Donnalyn. 

Donnalyn Bartolome reveals her recent heartbreak: ‘I’m sorry for not being enough’

“Pero in case I meet the right one and he wants to get married, then 33 or early 30s,” dagdag pa niya.

Dito, hindi naiwasang mabanggit ang pangalan ng kapatid ni Ivana Alawi na si Hash. 

“Oh my God. Pareho kayo ni Hash,” tugon ng isa sa mga kaibigan ni Donnalyn nang marinig ang sagot nito. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Donnalyn 🇵🇭 (@donna)

 

Nang tanungin naman ito kung may gusto siya kay Hash, sinabi ni Donnalyn na hindi niya muna ito sasagutin para ma-“curious” ang mga tao.