• Home
  • Fresh Scoops
  • Comedian Vice Ganda reveals what his favorite activities are while doing home quarantine.

Vice Ganda reveals his new lockdown activities: ‘I choose not to be sad’

Comedian Vice Ganda reveals what his favorite activities are while doing home quarantine.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

04/13/2021 10:24 AM
Vice Ganda reveals his new lockdown activities: ‘I choose not to be sad’
Photo Credit: @praybeytbenjamin Instagram

With the National Capital Region still under lockdown this year, Vice Ganda said that his busy work schedule was replaced with a different kind of challenge during the pandemic.

“Hindi siya kasing hectic as before nung normal hectic talaga. Sasakit ang ulo mo sa schedule. Pero nung nagkaroon ng pandemic hindi naman siya naging hectic, ang problema naging complicated ang schedule. Kasi minsan may schedule ka tapos in a snap ma-ka-cancel dahil ang daming pabago bago ng mga policies, ang daming ECQ levels, may MECQ, may ECQ with iron, ganyan (laughs).

“Dahil sa dami ng mga pagbabago, abruptly nag-che-change ang mga schedule, ang daming trabahong na-ka-cancel tapos biglang hahabulin mo. So complicated ang life pero gayunpaman, we are still surviving and trying to thrive kahit ano pang nangyayari.


“Kasi ang daming ganap na magpapasakit ng ulo mo nowadays. Samantalang dati ang problema mo lang ang pinoproblema natin. Yung estado mismo natin, yung kondisyon natin at this very moment, nakakasakit ng ulo,” he shared during the Kabog Pasabog with Saridon media launch held last April 12. 

The new Saridon celebrity endorser said he found ways to keep boredom at bay while doing home quarantine with boyfriend Ion Perez.

“Yung latest ECQ eh siyempre bigla-biglaan na naman naging ECQ kasi nagpasabog na naman itong si covida so para hindi mabagot, siyempre malaking bagay ang kalungkutan sa pinagdadaanan natin ngayon di ba? So pag nabagot ka, pag nalungkot ka, ang daming pumapasok sa sa isip mo so yun ang iniiwasan ko.

“So para hindi mabagot ang dami kong ginawa. Bumili kami ng badminton net ni Ion (Perez). Nag-set up kami ng badminton court sa harapan ng bahay namin tapos bumili ako ng basketball ring, nagba-baskteball kami ni Ion. Three days na kaming everyday nagba-basketball. Tapos sabi ko nga, pag hindi pa huminto itong ECQ baka bukas makalawa may beach volleyball court na rin dito sa harapan ng bahay namin (laughs).

“So lahat ginawa na namin. Nag-aaral na rin kami maglaro ng PS5, yung ganyan. So lahat ng paraan para malibang gagawin namin kasi ako especially, I choose not to be sad. So buti na nga lang, nakapag-ipon ipon ako so ngayon nakakagawa ako ng paraan para libangin at aliwin ang sarili ko,” he shared.

Even with everything he is doing, Vice clarified that there is nothing wrong with having negative feelings.

“Kanya-kanyang choice yun eh kung paano ka mag-su-survive. Pero I’m not saying na dapat hindi tayo nalulungkot kasi dapat talaga hinaharap rin natin yung emosyon di ba? And your emotion is valid whether or not you’re happy or sad. Whatever you are feeling that is valid. Iba iba tayo ng pinagdadaanan at iba iba rin tayo ng pamamaraan kung panao mag-cope. Ako kasi ayokong magtagal sa lungkot na nararamdaman ko sa kabagutan kaya gagawa ako ng paraan para right away, parang Saridon, in just 15 minutes, may effect na agad, ganun,” he explained.

READ: Vice Ganda shows off sneaker collection

Growing up, the 45-year-old TV host said he was never physically strong.

 

 

“Mas hirap ako pag physical, pag emotional or psychological parang mas natatagalan ko, mas tiisin ako. Pero pag physical na mas iniinda ko. Kasi siguro mas nasanay akong may iniinda akong emotional and psychological pain for the longest time. Lalo na growing up wala namang gamot nun. Kaya natutunan ko na lang kung paano palakasin ang emosyon at pag-iisip ko. Peor yung physical pain, ever since may available na gamot kaya siguro hindi ako nag-train na maging malakas physically. So para sa akin physical pain ang hindi ko kaya,” he explained. 

READ: Vice Ganda reaches 14 million followers on Twitter, gains 5 million subscribers on YouTube

Vice said he is optimistic that the health situation in the country can be solved within the year.

“The one thing I’m most excited about this year is yung katapusan ng pandemic na ito. Kini-claim ko na this year matatapos itong pandemic na ito. Sayang naman yung kagandahan ko nabubulok lang sa bahay ko. Kailangan makita sa labas. Kailangan makita ito sa studio, kailangan makita ang mukha ko sa mall, sa sinehan, sayang ang kagandahan ko. Hindi ito puwede mabulok.

 

 

“Kaya kini-claim ko, matatapos itong pandemic na ito itong year na ito. I have been praying for this thing ever since every day every day pinagdadasal ko ito na magamot lahat ng may karamdaman at eventually matapos na itong pandemic and that will happen this year. That’s the one thing I’m so excited about,” he added.