• Home
  • Fresh Scoops
  • Inamin din ni Ivana Alawi na may naka-date na siya noon na isang celebrity.

‘Broken ako nu’n’: Ivana Alawi, minsan nang gumamit ng dating app na Tinder

Inamin din ni Ivana Alawi na may naka-date na siya noon na isang celebrity.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/13/2021 11:36 AM
‘Broken ako nu’n’: Ivana Alawi, minsan nang gumamit ng dating app na Tinder
Screenshot from Ivana Alawi YouTube Channel

Inamin ng aktres na si Ivana Alawi na minsan na siyang gumamit ng dating app na Tinder noong mga panahong may pinagdadaanan siya. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)


 

Sa kanyang pinakabagong vlog kasama ang kapatid na si Hash, naglaro ng “Never Have I Ever” ang magkapatid. 

“Balita ko may Tinder ka ah,” sambit ni Ivana. “Balita ko din may Tinder ka,” sagot naman ni Hash. 

READ: ‘Ang baboy mo!’ Ivana Alawi tells brother as she gets pranked anew

“Hoy, wala akong Tinder,” mabilis na sagot ni Ivana sa kanyang kapatid. Pero ayon kay Hash, gumamit si Ivana ng Tinder “dati.” 

Bagama’t itinanggi ito ni Ivana noong una, inamin din nito kalaunan na gumamit siya ng Tinder noon. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

 

“Kapal ng mukha mo. Nilaglag mo ako,” ani Ivana. 

Pero ayon kay Ivana, kaya siya gumamit ng Tinder noon ay dahil may pinagdadaanan siya noong mga panahong iyon. 

READ: Ivana Alawi explains reason for being single

“Broken ako nu’n. Gusto ko ng ka-chat. Pero hindi ako nakipagkita. Chat chat lang. Pero matagal ko nang dinelete,” saad ni Ivana. 

“Ikaw kasi pa-Tinder Tinder ka pa,” sambit ni Ivana. Tanong pa niya sa kanyang kapatid: “Ba’t mo alam na may Tinder ako?”  

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Ivana Alawi (@ivanaalawi)

 

“Eh bakit? Ikaw naman ang unang gumamit sa atin. Binanggit mo,” ani Hash. 

“Ah oo kwinento ko sa kanya. Swipe right lagi. Hay. Bakit ko ba ‘yung dinownload?” ani Ivana.

Panoorin ang vlog sa ibaba: 

Samantala, inamin naman ni Ivana na minsan na rin siyang nakipag-date sa isang celebrity. Paglilinaw naman nito: “Pero hindi kami nagkatuluyan.”