• Home
  • Fresh Scoops
  • Ipinaliwanag ni Kris Aquino kung bakit lilimitahan na niya ang paglalabas niya ng mga litrato at video ng kanyang mga anak.

Kris Aquino, sinabing lilimitahan na ang paglalabas ng mga litrato ng kanyang mga anak sa social media

Ipinaliwanag ni Kris Aquino kung bakit lilimitahan na niya ang paglalabas niya ng mga litrato at video ng kanyang mga anak.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

04/12/2021 08:57 AM
Kris Aquino, sinabing lilimitahan na ang paglalabas ng mga litrato ng kanyang mga anak sa social media
Photo Credit: @krisaquino Instagram

Ilang linggo matapos maglabas ng kanyang saloobin na may patungkol sa iba’t-ibang pangungutya na natatanggap ng kanyang dalawang anak na sina Josh at Bimby, muling naglabas ng pahayag ang aktres at TV host. 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)


 

Sa isang 21-minutong video na nilabas niya online, sinabi ni Kris na lilimitahan na niya ang mga litrato at video na ilalabas niya sa social media lalo na kung ito ay may kinalaman sa kanyang anak.

"I'm partly to blame kung nadamay man mga anak ko. I'm taking full responsibility. I can never shield them fully because from the time they were born, I was already Kris but I can choose what I can show you,” ani Kris. 

READ: ‘I am willing to go to war’: Kris Aquino, binasag ang katahimikan tungkol sa pambabash sa kanyang mga anak, usaping politikal

Sinabi naman ni Kris na kung magbabahagi man siya simula ngayon ng mga litrato at video na kasama ang kanyang mga anak, ito ay may kinalaman sa mga espeyal na araw nila tulad ng kanilang kaarawan. 

“They post birthdays. They post trips. So that's the decision I made, yun ang ipapakita ko sa inyo. The regular things that regular people show people dahil lahat ng magulang yun ang ginagawa,” saad ni Kris.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

 

Bibigyan naman umano ng mas pribadong buhay ang kanyang anak kung kaya’t mas bihira na lang makikita ang mga ito ng publiko. 

“You will still see them du’n sa mga events na mga regular na tao. ‘Yun ang mga nilalabas nila e so nire-review ko. They will have enough privacy. But you cannot see them as often as you used to,” sambit ni Kris. 

Samantala, pinayuhan naman ni Kris ang kanyang anak na si Bimby na huwag makinig sa sasabihin tungkol sa kanya. 

READ: Kris Aquino reveals selling house in Quezon City, opens up about plans to move to a different city

Matatandaang madalas na nakukumpara si Bimby sa kanyang ama na si James Yap na isang basketbolista.

"Hindi na natin kasalanan kung ano yung magiging opinyon nila about you but what's important you know who you are. And you are not going to be like them. I brought up a son who is brave,” saad ni Kris. 

Panoorin ang video sa ibaba: 

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by KRIS AQUINO (@krisaquino)

 

Sa huli, pinasalamatan naman ni Kris ang mga taong patuloy na sumusuporta sa kanya. 

“Wala akong utang na loob sa mga taong walang magawa sa buhay nila kundi pintasan ako. Pero napakalaki ng utang na loob ko dun sa mga taong come what ay minamahal niyo ko,” ani Kris.