• Home
  • Fresh Scoops
  • AJ Raval, kumportable na ngayon sa pagpapaseksi sa pelikula.

AJ Raval, gagawin ang remake ng ‘Scorpio Nights’

AJ Raval, kumportable na ngayon sa pagpapaseksi sa pelikula.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/12/2021 03:56 PM
AJ Raval, gagawin ang remake ng ‘Scorpio Nights’

Maraming pelikulang gagawin ang sexy star na si AJ Raval sa Viva Films. Isa na nga rito ay ang remake ng controversial film na Scorpio Nights.

Ito ang inamin ng dalaga sa virtual media conference para sa mystery love story movie na Death of A Girlfriend kamakailan lang. Partner ni AJ sa movie si Diego Loyzaga.

“Gagawin ko po yung remake ng Scorpio Nights,” matipid niyang pahayag. Kung aling version ng Scorpio Nights angk anyang ire-remake ay hindi pa niya idinetalye.


Dalawa kasi ang Scorpio Nights movie noon. Ang una ay ang Scorpio Nights ni Anna Marie Gutierrez noong 1985 kasama sina Orestes Ojeda at Daniel Fernando. Ang ikalawa naman ay ang Scorpio Nights 2 na launching movie ni Joyce Jimenez noong 1999.

Anyway, sa naturang virtual conference ay inamin din ni AJ na kumportable na siya ngayon sa pagpapaseksi sa pelikula. She was introduced in the film Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar at second film niya ang Death of a Girlfriend kung saan kinailangan din niyang magpakita ng katawan.

“Okey naman po ako ngayon. Hindi nakatulad ng dati. Lahat naman po ng ginagawa ko sa pelikula ay trabaho lang,” rason ng dalaga.

Kaya raw hindi naiwasang magalit ang tatay niyang si Jeric Raval nang mag-post siya ng kanyang topless photo sa Instagram dahil hindi na ito bahagi ng kanyang trabaho bilang artista.

Deleted na ang naturang photo at ayon sa kuwento ni AJ ay pinag-awayan pa nila itong mag-ama.

“Nagalit po siya kaya ngayon deleted na yung post ko. Ipinaalis po,” kuwento niya. “Nagalit po siya kasi pinag-usapan na namin na magpapaseksi po ako kung work lang po, kapag kailangan.”

Maging sa pakikipag-boyfriend ay mahigpit din si Jeric kay AJ na umaming may karelasyon ngayon.

Aniya, “Mahigpit, may pananakot. Pero ngayon, mabait naman yung boyfriend ko, close sa family so okey naman kami ngayon. Okey na sa kanya.”

Binibigyan ba siya ng payo ni Jeric pagdating sa pakikipag-relasyon?

Tugon ng dalaga, “Sinasabi niya lang lagi sa akin, dapat piliin ko yung responsible, may pangarap, kahit hindi kaguwapuhan, basta may pangarap.”

Samantala, kung noon ay hindi raw supportive si Jeric sa kanyang pagpapaseksi sa pelikula ngayon daw ay iba na.

“Sa totoo lang po, hindi sila naging supportive noong una. Pero ngayon naman po, hinahayaan na po nila ako,” sabi pa ni AJ.

Mapapanood ang Death of a Girlfriend sa VivaMax simula April 30 at sa iba’t iba pang streaming platform tulad ng Ktx.ph, iWantTFC, TFC IPTV at SKY PPV.