• Home
  • Fresh Scoops
  • Napagkakamalang suplado si Raymond Bagatsing dahil sa pagiging focused sa role.

Raymond Bagatsing nagpaliwanag kung bakit laging suplado sa set ng ginagawang film projects

Napagkakamalang suplado si Raymond Bagatsing dahil sa pagiging focused sa role.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/11/2021 12:22 PM
Raymond Bagatsing nagpaliwanag kung bakit laging suplado sa set ng ginagawang film projects
Photo credit: @raymondbagatsing Instagram

Ibinahagi sa PUSH ng award-winning actor na si Raymond Bagatsing kung ano ang mga factors na ikino-consider niya before accepting a movie or TV projects. Hindi raw niya tinatanggap ang offer kapag alam niyang hindi babagay sa kanya ang role.

“Unang-una, I believe kasi in the good casting. Kasi kahit magaling ang artista mo pag feel niya na hindi bagay sa kanya yung role dapat hindi pinipilit. Kasi hindi lang for the sake of magka-project, very important sa akin yung quality ng film at yung quality ng kakayahan ko,” simulang paliwanag ng ni Raymond ng makausap namin siya sa presscon ng pelikulang Nelia.

Patuloy ng bida sa Quezon’s Game, “Mahalaga sa akin kung kaya ko ba o hanggang saan ba yung challenge sa akin ng role. Ayokong pilitin kung hindi kakayanin. So, may mga challenge na sinabi ko na hindi pa yata ako ready na gawin itong role na yan.”


Hindi rin nagiging isyu kay Raymond kung sino ang makakasama niyang artista sa pelikula kahit pa nababalitaan niyang meron sa kanila ang may mga attitude problem.

Aniya, “Wala naman kasi akong biases or ano tungkol sa kung sino yung may attitude o wala na mga artistang nakakasama ko. I just go on the set.”

Siya pa nga raw ay madalas mapagkamalang may attitude problem at suplado kapag nasa set na siya dahil sa pagiging sobrang focused niya sa role.

Usually nga nung araw napagkakamalan akong suplado when I go to the set kasi ganun ako ka-focused, pero I’m happy na naiintindihan na nila ako kasi pag wala naman ako sa set I’m just like everyone else na palabiro, palangiti, palatawa, yung ganun,” natatawa niyang paliwanag.

Ginagampanan ni Raymond ang role ng isang doctor sa Nelia. Excited daw siya sa bagong pelikula dahil sa dami ng twist and turns ng kanyang character.

“Ako dito yung a very hands-on doctor and he seems very… he’s a good authority and good understanding sa career niya. Tapos kung iisipin n’yo na si Dr. Rey ang pinaka-normal dito kasi nga he carries himself well pero yon pala biglang may twist na magbibigay sa audience ng ride na, ‘Ah, siya pala ang may kagagawan ng misterio sa buhay ni Nelia sa ospital.’

I’m excited about the role kasi marami siyang twist and turns and interactive yung approach ng scriptwriting and directing,” kuwento ng aktor.

Kasama ni Raymond sa Nelia si Winwyn Marquez at excited din siya na muli itong makatrabaho.

 “I enjoyed working with her and I look forward to working with her again. I know medyo challenging yung role na ito for her but I’m sure she will do amazing as an actress in this project,” huling pahayag niya.