• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa na ngayong toy collector at designer ang singer na si Jed Madela

Jed Madela, ibinahagi ang pagkahilig sa mga laruan

Isa na ngayong toy collector at designer ang singer na si Jed Madela

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

04/11/2021 10:56 AM
Jed Madela, ibinahagi ang pagkahilig sa mga laruan
Photo credit: @jedmadelaofficial Instagram

Ngayong nagpapatuloy ang COVID-19 lockdown at community quarantine sa Metro Manila, kani-kaniya nang paraan ang ibang butuin sa pag discover ng kanilang ibang talento.

Mula sa pagiging plantito at plantita, pagluluto, at pag-explore ng kanilang digital spaces, natuklasan rin ng ilang celebrities ang kani-kanilang skills pagdating sa pagdi-disenyo ng laruan.

Isa na dito ang singer na si Jed Madela na nahihilig ngayon sa pagkolekta at pagdisenyo ng mga laruan.


Sa mga social media post ni Jed, makikita ang ilan sa kakaibang disenyo ng action figures na kaniya ngayong nagiging libangan.

Ever since I could remember, collector na ako ng kahit ano, any toys na napi-feel ko na nagugustuan ko at na-aatract ako,” sambit ni Jed sa naging ulat ng Cinemanews.

Kuwento ni Jed, nagsimula ang kaniyang hobby nang minsan siyang dumalo sa isang toy convention.

No particular toy, pero art toys naman, nakahiigan ko ‘to I think two years ago. Sumama ako, na-invite ako sa isang Toy Con at doon ko nakita first time ang art toys na tinatawag pero, hindi pa ako masyadong na enganyo. Not until noong pandemic, nagsimula ang pandemya, may mga nameet akong art toy designers, doon na ako na hype up sa art toys,” kuwento ni Jed.

Dahil na rin sa impluwensiya ng kaniyang mga kasamahang toy collector, nag explore si Jed sa kaniyang talento sa pagdi-disenyo ng kaniyang sariling mga laruan.

Since ang dami kong na-meet na designers nga inenganyo rin ako na hindi lang mag collect, but to create our toys as well,” ani Jed.

At kasabay ng pag dami ng kaniyang art toys, naisipan na rin ni Jed na i-post ito sa kaniyang social media at ibenta sa mga kasamahang toy collector.

Hobby lang talaga siya, it all started with statues, collectibles, ganun and yun nga noong na meet ko tong group of local designers, nakita nila ang sketches ko ang mga drawings ko. Kasi mahilig rin ako mag drawing and painting, sabi nila sa akin ‘why don’t you create your own art toys?’ sabi ko, ‘Are they art toy worthy ba?’ Pwede ba silang gawing art toy? So sabi nila ‘oo ang ganda,’”

Sa ngayon, tuloy-tuloy lang si Jed sa pag discover ng bagong design para sa kaniyang dumaraming toy collection.