• Home
  • Fresh Scoops
  • Bilang isa nang recording artist, ibinahagi ni DJ Loonyo na pangarap niyang magkaroon ng world tour at maka-collaborate ang mga international artists tulad nina Justin Bieber at Chris Brown.

DJ Loonyo, ibinahagi kung anong nag-udyok sa kanya na maging recording artist

Bilang isa nang recording artist, ibinahagi ni DJ Loonyo na pangarap niyang magkaroon ng world tour at maka-collaborate ang mga international artists tulad nina Justin Bieber at Chris Brown.

BY
Gary Ann Lastrilla

Instagram: @iamgaryann

FRESH SCOOPS

04/11/2021 05:53 PM
DJ Loonyo, ibinahagi kung anong nag-udyok sa kanya na maging recording artist
Photo credit: @djloonyo IG

Isa nang ganap na recording artist ang online personality na si DJ Loonyo matapos pumirma ng kontrata sa Universal Records.

At ito ngang Sabado, Abril 10, inilabas na niya ang kanyang single na pinamagatang Dance Under The Sun sa YouTube channel ng Universal Records Philippines.

 


 

Sa kanyang panayam sa programang PUSH Bets Live, sinabi ni DJ Loonyo na gusto niyang iparamdam ang Summer vibes through his latest single.

“Itong bagong music, sobrang excited talaga ako kasi lalo na ‘yung hugot ko rito is since last year, pandemic, hindi natin naramdaman ‘yung Summer so gusto kong dalhin ‘yung Summer sa bahay, sa lahat, sa buong Pilipinas para maramdaman nila ‘yung Summer vibes. So ‘yun ‘yung hugot ko na kahit wala ka sa beach, pwede kang magparty sa bahay niyo, sa music na ito.”

Kwento pa ni DJ Loonyo, na nakilala through his dance performances online, naglagay din siya ng dance break sa music video ng kantang ito, “Parang signature ko na siya na every time magdodrop ako ng music video, dapat may dance break talaga.”

 

 

Pero paano nga ba napasabak ang internet sensation sa larangan ng musika?

Pagtatapat ni DJ Loonyo, talagang chinallenge niya ang sarili niya na pumasok sa music industry. Aniya, “Takot na takot ako dati sa music talaga kasi iniisip ko boses ipis talaga ako pero sabi ko nga, para mas mainspire ko pa ‘yung mga fans and ‘yung mga tao na sumusuporta, kailangan kong i-conquer ‘yung fear ko lalo na sa mic.”

Ngunit noong inakala niya na hindi para sa kanya ang pagkanta, bigla raw nagkaroon ng isang pangyayaring naging turning point for him to pursue singing.

“’Nung nasa China na ako, parang there’s this one week na halos ‘di ako pinapatulog ni God. And then meron akong nakikitang vision sa utak ko na kumakanta ako sa stage. Hindi siya saturated, talagang colorful talaga ‘yung nangyari. So sabi ko, baka pinapakanta na ako ni God. So pag-uwi ko talaga, naging goal ko is magrerecord ako ng kanta.”

“At saka wala naman akong gustong patunayan kasi kumbaga hindi naman siya kompetisyon sa akin. Art is for everyone naman, lalo na ‘yung music,” dagdag pa niya.

 

 

Nang tanungin kung ano ang kanyang goal bilang isang artist, sinabi ni DJ Loonyo na pangarap niyang makapag-world tour at makipag-collaborate sa mga international artists.

“Hindi naman masamang mangarap. Di ba sabi nga ni God, kung mangangarap ka, di ba, sagarin mo na. Pangarap kong makapag-world tour na kinakanta ko ‘yung kanta ko and then marinig ng ibang lahi ‘yung vibe ng kanta ko na alam mo yun, hindi naman na tayo ‘yung parating nag-a-idolize sa ibang bansa, pwede naman na tayo ‘yung kumbaga titingnan naman ng taga-ibang bansa. Kaya nag-incorporate rin ako ng ibang language para sumilip din sila sa mga nangyayari rito sa Pilipinas kasi ang daming talentado talaga na artists dito. ‘Yun world tour po, ‘yun talaga, as in ‘yun maka-collab ‘yung mga international artists, okay na.”

Speaking of dream collaborations, ani DJ Loonyo, “Sa international, syempre papangarapin ko ‘yung idolo natin, si Chris Brown, sila Usher, and si Justin [Bieber].”

“And then sa local scene naman, madami, sobra, mga big stars natin. Sa Universal Records, sina Sir Gary [Valenciano], di ba gumawa kami ng remix ng Di Bale Na Lang. Tapos sina Julie San Jose, EX-B [Batallion], si Skusta [Clee], sobrang galing ng mga ‘yan. Sir Gloc 9, sina Shanti [Dope]. Ayun ‘yung mga gusto kong maka-collab talaga in the future,” pagtatapos niya.