• Home
  • Fresh Scoops
  • Bida Star: Gandang Naturally Fresh Ultimate Bida Star Ruth Paga shares her most memorable experiences during auditions.

Bida Star winner Ruth Paga on being rejected by PBB: ‘Yun yung nagpatibay sa akin’

Bida Star: Gandang Naturally Fresh Ultimate Bida Star Ruth Paga shares her most memorable experiences during auditions.

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

04/11/2021 01:49 PM
Bida Star winner Ruth Paga on being rejected by PBB: ‘Yun yung nagpatibay sa akin’

Before becoming Bida Star: Gandang Naturally Fresh’s Ultimate Bida Star, Ruth Paga said she had no expectations about winning the online talent competition.

Honestly, parang sinabi ko sa sarili ko na eto na naman parang may audition na naman ako, kung matalo man dito at least parang experience siya na nadagdag, kung manalo man ay blessing, parang ganyan. Nasanay na siguro ako sa rejection. Nasanay na ako pag nag-o-audition ako panay na-ri-reject pero laban pa rin kaya heto naman yung blessing. Hindi ko siya in-expect,” the 23-year-old aspiring actress from Baguio City shared.

While doing Bida Star, Ruth admitted she and her family were going through tough times. “Siguro yung pagkakaiba nitong Bida Star is sobrang hirap nito lalo na sa situation ko nun na nasa ospital si mom noon. Starting pa lang ng Bida Star na-admit na mama ko. Kaya pag nag-la-livestream nandun si mama sa ospital so mahirap talaga sa akin kasi energetic ako dito pero deep inside iniisip ko kumusta na kaya buhay ng nanay ko, parang ganun. Ang pinagkaiba dito, kahit sobrang hirap pinaramdam sa akin ni God na parang pinadali niya. If ever parang papasok ka sa butas ng karayom, parang madali na lang kasi pina-feel niya sa akin na heto na ang para sa ‘yo. Siguro ito talaga din yung time para sa akin kasi ang ganda nung parang twist ng nangyari sa akin,” she said.


Ruth said that all the times she got rejected in the past had given her even more confidence to join Bida Star.

Sa lahat ng mga rejection ko sa buhay, ang dami na eh, sa mga casting ko, mga audition ko sa mga show, hindi pa rin ako nagpapatinag. This journey ng Bida Star ang hirap kasi nandun pa rin si nanay sa ospital. Ako yung naging nanay ng mga kapatid ko, pamangkin ko, parang ganyan tapos mag-la-livestream ako na parang walang nangyayari. Pero deep inside yun yung naging parang pinakamahirap ko na mga moments dito sa Bida Star,” she revealed.

During the recent Bida Star mediacon, Ruth said some of her most memorable experiences include auditioning for Pinoy Big Brother every year.

Isa sa hindi ko makakalimutan yung sa Pinoy Big Brother. Since 15 years old ako nag-start na ako mag-audition sa PBB. Nasubukan ko ng mawala sa Manila. Bumiyahe ako sa Manila para mag-audition sa PBB tapos nawala ako dahil yun yung pinaka-first ko, wala ako kasama. Nawala ako sa mga buses. Buti na lang yung driver ng bus tinuro kung saan ako pupunta at paano ako babalik, ganyan. Pangalawa ulit nag-audition ulit ako sa PBB sa Cabanatuan. Tapos hindi ko alam ulit yung place na yun pero pinuntahan ko pa din. Natulog ako sa station ng van kasi natapos ng madaling araw yung audition. Wala naman akong pang-hotel kasi sakto lang na pang punta sa audition yung pamasahe and then pabalik. Hindi ko yun makakalimutan. Wala na akong naabutan na van so natulog ako sa station ng papuntang Baguio. Pangatlo nag-audition ulit ako, yun naman sa Santiago tapos ang lakas ng loob ko pa rin. Hindi pa rin ako natuto, hindi pa rin ako natakot. Nakuha naman ako dun sa pinaka level. So natapos ulit kami ng madaling araw tapos siyempre wala ulit pagtutulugan. Buti na lang may nakilala ako na taga-doon tapos may kilala siya na parang may pinauupahan,” she recalled.

Despite her constant rejections, Ruth said she wanted to follow her dream to make it into showbiz.

Sobrang dami kong mga casting at auditions na panay rejections pero okay lang kasi yun yung parang nagpapatibay sa akin. Konti lang yan sa mga pinag-audition-an ko. Kung sasabihin ko lahat aabot tayo hanggang bukas (laughs). Pero never ko inisip na sumuko ako. Noon ako sumusuko ako pero nung nasa Bida Star na ako, sabi ko, ‘Nandito na ako eh, sayang. Ba’t pa ako susuko?’ Kasi kung may nag-si-stick sa akin para magpatuloy ako sa pangarap ko para mag-push through pa ako, lagi ko sinasabi sa sarili ko na it’s either a blessing or a lesson. Kung hindi man ako mananalo dito, okay parang lesson siya akin at experience. Kung mananalo man ako dito eto na yung blessing para sa akin. Thankful ako kasi blessing siya. Depende naman sa araw, hindi naman sa lahat ng panahon parang lesson learned lang yung natatanggap mo. Darating at darating yung araw ng pag-aani,” she said.

During the pandemic, the Ultimate Bida Star winner also considered chasing a different passion just to earn a living.

Honestly, before itong Bida Star nag-quit na ako. Bago ko makita ito, sabi ko sa sarili ko, ‘Lord, pagod na pagod na ako sa pag-o-audition’ kasi na-reject na naman ako nung last. Parang okay na, tama na, thank you na lang sa mga naging experience, I quit na dito sa pag-aartista. Ibigay niyo na lang sa magiging anak ko sabi ko. Eh di nag-settle na ako. Magbebenta na sana ako eh. Mag-bi-business na sana ako, parang ganyan. Nakapag-purchase na ako ng mga ibebenta ko. Mga clothing, kasi gusto ko yung mga fashion. Sabi kasi nila yung mahal mo yung gusto mo, bakit hindi mo gawing business? So yun sana yung gagawin ko. Nag-settle down na ako as a businesswoman tapos bigla niya akong hinila na, ‘Halika dito. hindi yan para sa iyo. Dito ka.’ Ganun yung nangyari,” she explained.

Ruth’s advice to other aspiring actresses like her is to always be patient. “Tandaan niyo, hindi sabay ang araw ng pagtatanim at pag-aani. So tanim lang kayo ng tanim. Darating yung araw ng pag-aani,” she said.