• Home
  • Fresh Scoops
  • Isa si Rabiya Mateo sa mga kandidatang maagang tumulak papunta sa host country upang paghandaan ang magiging laban sa Miss Universe pageant.

Rabiya Mateo, biyaheng Florida na para sa Miss Universe

Isa si Rabiya Mateo sa mga kandidatang maagang tumulak papunta sa host country upang paghandaan ang magiging laban sa Miss Universe pageant.

BY
PUSH TEAM

Twitter: @Push_Alerts

FRESH SCOOPS

04/10/2021 09:47 AM
Rabiya Mateo, biyaheng Florida na para sa Miss Universe

Biyaheng Florida, USA na si Miss Universe Philippines Rabiya Mateo.

Sa mga ibinahaging Instagram post ng ABS-CBN News correspondent na si Dyan Castillejo, full force ang team ng pambato ng Pilipinas sa naging send-off.

Kasama ni Rabiya sa biyahe papuntang Florida ang Miss Universe creative consultant at pageant enthusiast na si Jonas Gaffud.

Suot ang barong-inspired crop top na tinernuhan ng black couture pants, iwinagayway ni Rabiya ang isang maliit na watawat ng Pilipinas.

Doble ingat din sa kaniyang byahe ang Pinay beauty, makikita sa rin retrato na nakasuot ng face mask ang kandidata na isa sa mga protocol bago makapasok ng airport.

Isa lamang si Rabiya sa mga unang kandidata na lumipad patungo sa host country ng 69th edition ng Miss Universe upang sumailim sa 14-day quarantine upang masiguro ang kaligtasan laban sa banta ng COVID-19.

Sa darating na May 16, 2021 gaganapin sa Seminole Hard Rock Hotel and Casino sa Hollywood, Florida ang coronation night ng Miss Universe kung saan ipapasa ni Zozibini Tunzi ng South Africa ang kaniyang titulo sa bagong Miss Universe.

READ: Miami, Florida, to host 69th edition of Miss Universe?

Kung papalarin, si Rabiya Mateo na ang ika-limang kandidata na makakapag-uwi ng Miss Universe title na huling ipinasa kay Catriona Gray noong 2018 sa Bangkok, Thailand.