• Home
  • Fresh Scoops
  • Naniniwala si Diego Loyzaga na si Barbie Imperial na ang ‘The One’ sa kanyang buhay.

Diego Loyzaga inaming napag-uusapan na nila ni Barbie Imperial ang kasal

Naniniwala si Diego Loyzaga na si Barbie Imperial na ang ‘The One’ sa kanyang buhay.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

04/10/2021 10:22 AM
Diego Loyzaga inaming napag-uusapan na nila ni Barbie Imperial ang kasal
Photo credit: @diegoloyzaga Instagram (R)

Naniniwala si Diego Loyzaga sa pagkakaroon ng long engagement ng magkasintahan bago sila lumagay sa tahimik o magpakasal. Kaya lang, case to case basis daw ito.

Ito ang kanyang naging pahayag sa PUSH nang makausap namin siya sa virtual presscon ng mystery love story movie ng Viva Films na Death of a Girlfriend kung saan kapareha niya si AJ Raval.

“Oo naman, okey ang long engagement. Pero puwede rin naman na hindi. Depende yon sa inyo kung gaano kayo magklik kaagad, yung nagkakaintindihan na talaga, na on the same page na talaga kayong dalawa,” pahayag ng aktor.


Kaya nga kahit ilang buwan pa lang silang magkasintahan ni Barbie Imperial ay napag-uusapan na raw nila ang kasal.

READ: NEW COUPLE ALERT! Diego Loyzaga and Barbie Imperial are now dating

“Kasi yung pupuntahan niyo eventually is marriage, have a family, have kids. So ganoon ko siya tinitingnan with Barbie, and ganoon din naman niya tinitingnan with me,” pagtatapat ni Diego.

Dugtong pa niya, “We understand each other. And not every day is a good day but just like any other relationship, we understand each other even more on bad days. So it’s not a secret but it’s easier said than done.”

Inamin din ni Diego na si Barbie na ang kanyang “the one.”

“Oo, sa nakikita ko!” nakangiti niyang pahayag.

Natanong si Diego kung ano sa palagay niya ang sikreto ng kanilang maayos na relasyon ni Barbie at ayon sa kanya ay wala naman daw sikreto.

Lahad ng aktor, “I don’t think there’s a secret po. Para sa akin kasi, yung love or being in a relationship, it’s a never ending compromise.

You’re two individuals who want to be a team or an item or parang a unit—isa kayo. So siyempre, meron kayong mga differences. Meron kayong mga hindi pagkakasunduan.

“Pero marami rin kayong mga likes sa isa’t-isa so there’s no secret to it. It’s work. It’s like any relationship naman, even friendships ganoon din.”