This is one label Sharon Cuneta doesn’t mind getting

Sharon Cuneta feels honored to be called this.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/09/2021 04:21 PM
This is one label Sharon Cuneta doesn’t mind getting
Photo Credit: @reallysharoncuneta Instagram

Hindi offensive para kay Megastar Sharon Cuneta na tawagin siyang MILF (sexual term para sa slightly older women na pinagnanasaan ng mga younger men). Ganito ang role niya sa sinusyuting na pelikulang Revirginized ng Viva Films.

“I’m sorry ha pero nakakatawa baka sabihing OA, pero sabi ko pa, I’m honored! Hahaha! Hindi… joke lang,” natatawang reaksyon ni Sharon.

Patuloy niya, “Ibig sabihin, di ba when you’re call that puwede kang… you can take it two ways. Ba’t ko seseryosohin, di ba? Yeah, it means you’re desirable to younger men, so why will I…? You know, I can be offended depende sa nagsasabi sa akin.


“Eh, project ito para isipin na puwede akong makita nang ganun, ng mas bata sa akin, aba medyo flattering yon, di ba? Pero nasa nagsasabi sa ‘yo yon, na hindi ka binabastos… Well, MILF exists. Hahaha!”

Inamin din ni Sharon na naka-relate siya sa ginagampanang karakter sa Revirginized na teenager pa lang ay nagkaroon na ng anak. Sharon was only 19 nung ipanganak niya si KC.

Sabi pa niya, “I can relate with her kasi I also got married at 18 and ang world ko noon was just shooting and doing my TV show. I was robbed of my privacy and anonymity, but I don’t regret it.

“And when you robbed of that you can’t really go back. But it’s not something I don’t really regret obviously because I didn’t expect naman for this to be my life’s work.”

READ: Sharon Cuneta sa future bashers ng latest movie: ‘Kung mangba-bash sila yung may sense lang’

Mapagpakumbabang ibinahagi ni Sharon na never siyang nakakaramdam ng insecurity hanggang ngayon kung meron mang mga baguhang artistang sumisikat sa showbiz.

“Akala ko I’d do a couple of movies and then retire, pero come to think of it I’m very grateful that I’m still here. You know what, when you’re successful hindi ka madamot, eh. You want other people to succeed also. Kasi walang aagaw sa puwesto mo.

“Isa ka lang, eh, isa ka lang… Lahat sila puwedeng gayahin ka, puwedeng may sumikat kesa sa ‘yo ngayon, pero isa ka lang. Hahanap-hanapin ka rin.

“Lahat tayo merong space for everybody. Kaya nga bilyun-bilyon tayo sa planeta dahil lahat tayo merong gagawin. So I’ve never been insecure.  I’ve never been selfish. I’ve never been afraid.

“At ang promise ko sa sarili ko pag-alis ko sa showbiz ang puso at kaluluwa ko parehong-pareho pa rin nung bago ako pumasok sa showbiz.

“Yon ang promise ko sa sarili ko kasi ganun ako prinipare ng parents ko. Proud ako do’n kasi I keep my friends, I keep my soul, I keep my heart and I’m true to myself, that’s what matters,” huling pahayag ng Megastar.