• Home
  • Fresh Scoops
  • Aminado si Xian Lim na hindi siya takot harapin ang kahit ano pang pagsubok, sa personal na buhay niya man o sa career niya.

Xian Lim sa relasyon nila ni Kim Chiu: ‘Bawal makampante’

Aminado si Xian Lim na hindi siya takot harapin ang kahit ano pang pagsubok, sa personal na buhay niya man o sa career niya.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/08/2021 09:43 AM
Xian Lim sa relasyon nila ni Kim Chiu: ‘Bawal makampante’
Photo Credit: @xianlimm Instagram

Natupad na rin sa wakas ang pangarap ni Xian Lim na maging game show host dahil binigyan siya ng pagkakataon ng Viva Entertainment to host 1000 Heartbeats: Pintig Pinoy.

Ayon kay Xian iba ang challenge nito sa kanya dahil iba raw ito sa pagho-host ng beauty pageant na nakasanayan niya noon.

“Magkaiba talaga. Sa game show kasi parang ikaw yung may kontrol sa naglalaro, na dapat aalalayan mo yung emosyon niya. Pero this is something I’ve always wanted to do.


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

 

“May mga tanong kasi sa akin before kung ano pa ba ang gusto kong gawin. Lagi kong sinasabi na aside from movies, from TV, gusto ko ring mag-host ng isang game show,” pahayag ng akor sa PUSH.

Sa virtual presscon ni Xian ay proud din niyang inamin na hindi na siya takot harapin ang kahit anong intrigang darating sa kanyang career at personal na buhay.

Aniya,  “At this point, parang natanggap ko na sa bawat kilos ng isang aktor o ng isang artista ay meron at merong masasabi ang ibang tao. Maganda man o masama, you just have not to pay attention to those things para sa akin.

“Kasi nung una talaga, naalala ko, nung nagsisimula pa lang ako, lahat kinukwestyon ko. ‘Bakit ganito, bakit ganito?' Pero you just… nasa sarili mo na lang, eh,” dagdag niya. 

Nagbigay din ng reaksyon si Xian sa mga nagdududa noon sa relasyon nila ni Kim Chiu.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

 

“Ngayon, parang we’re just doing our thing. Parang eto kami, eto yung mga ginagawa namin, eto yung sini-share namin na tipong ganun. Tumahimik na lang and eventually it died down,” lahad ni Xian.

Dagdag pa ng aktor, kahit matatag na ang relasyon nila ni Kim ay hindi pa rin siya nagpapakampante.

“Siyempre, lagi ko ngang sinasabi sa isang relationship, dapat every single day, you work on it. Bawal makampante sa isang relationship,” katwiran pa niya.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Xian Lim (@xianlimm)

 

Samantala, bukod sa pagiging game show host ay nakatakdang gumanap si Xian sa role ng isang actor-politician na isasapelikula ang kanyang buhay.