• Home
  • Fresh Scoops
  • Tanggap ni Sharon Cuneta na di lahat ng tao ay magugustuhan ang kanyang bagong pelikula.

Sharon Cuneta sa future bashers ng latest movie: ‘Kung mangba-bash sila yung may sense lang’

Tanggap ni Sharon Cuneta na di lahat ng tao ay magugustuhan ang kanyang bagong pelikula.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/08/2021 05:48 PM
Sharon Cuneta sa future bashers ng latest movie: ‘Kung mangba-bash sila yung may sense lang’
Photo Credit: @reallysharoncuneta on IG

Inalala ni Sharon Cuneta ang mga panahong baguhan siya at nagsisimula pa lang gumawa ng pangalan sa movie industry. Ani Sharon, kung hindi siya binigyan ng break noon ay walang Sharon Cuneta. 

Sine Silangan and Danny Zialcita and Tito Ernie Roxas—they’re both gone but if they didn’t give me a break with Dear Heart wala namang Sharon Cuneta,” pagbabalik-tanaw niya.  

“Direk Danny wrote a story for me. What he told my mom was, ‘If you won’t allow Sharon to do this, I will never do this movie because the April (character sa Dear Heart) is basically Sharon


So, from then on, after that my dad called Boss Vic and said, ‘Mag-produce tayo,’ and Viva was born. And then you know, that’s history.  

So I always remind myself I was also new and if no one gave me a break, pa’no ako umabot ng 40 years (sa showbiz) di ba?” muling pag-throwback ni Sharon.  

Ganito rin daw ang pagkakataong binibigay niya ngayon kay Darryl Yap na director niya sa Revirginized. 

So anybody who wants to work with me please paki-announce na it doesn’t matter to me kung sinong direktor ka. Basta maganda ang istorya at magaling ka, okey ako,”  

Handa na rin ba siyang ma-bash katulad ng kontrobersyal niyang director sa kanilang collaboration project? 

Tugon ni Sharon, “Eh, project namin ito, eh, so it’s either they like it or not.  And the way I see it, just like any another project I’ve done in the past, kung ayaw nila, ayaw nila. Kung gusto nila, gusto nila, di ba

Kasi I’ve had movies na kahit yung super Sharonian ko hindi pinanood kasi hindi maganda. Kahit ako nga ayaw ko nang panoorin uli, eh, sila pa di ba

Kung meron naman sense yung movie mo lalo na sa bagong henerasyon, itong henerasyon nina Direk... Yon din ang nakakatuwa sa movie na ito, feeling ko at least maabot ko sila kahit paano.  

So, kung mangba-bash sila, yung may sense lang. Sana may sense. Hindi baseless at sana puwera yung politika

Uy, pero ready na yung mga trolls diyan.  Mga political trolls, na-budgetan na yan. Naka-ready na, naka-linya na ang mga cellphone, ready na sila dahil sa asawa ko. At dahil sa mga personal kong experience,” sabay tawa niya nang malakas. 

Sanay na rin daw siyang ma-bash kaya wala na siyang pakialam sa mga ito. 

I’m really more concerned about our movie and the audience than I am about them because I have been bashed throughout 40 years and noong nauso ang social media, I was still being bashed. But my movies are doing well and I’m still here.  

“I still don’t know who they are but a lot of people still know who I am. Hahaha! Sila, who you pa rin sila! Hahaha! Ako, I’m me,” natatawa niyang pahayag.