Sa pamamagitan ng isang Instagram post nitong Linggo, muling dumipensa si Kris Aquino sa ilang netizens na hindi pa rin tinatantanan ang kaniyang mga anak sa pambu-bully.
Kasunod ito nang naglabasang pekeng balita sa social media na nakabuntis umano ang kaniyang anak na si Josh sa habang ito ay nasa probinsya.
READ: Kris Aquino reacts to malicious rumor about her son Joshua in the province
Bukod sa pagkalat ng maling balita laban sa kaniyang panganay, puntirya rin ng online bullying ang kaniyang bunso na si Bimby na biktima ng panghuhusga ng netizens sa sexualidad nito.
“I am not blind, and I am not stupid...” bungad ni Kris sa post.
“In a span of a week my children have been used to trigger me. Kuya Josh with zero factual basis was said to have impregnated a girl. Bimb has been repeatedly targeted with bullying because people are insisting he is gay,” ani Kris sa post.
Sa nasabing post, hinamon rin ni Kris ang publiko sa sinasabing babae na nabuntis umano ng kaniyang panganay na anak.
“Regarding Kuya Josh, name and show us the girl,” sambit ng host/vlogger.
Bukod sa tila pag-hamon ni Kris sa paglantad ng babaeng nabuntis umano ng kaniyang panganay, dumipensa rin siya para sa kaniyang bunso.
“About Bimb, he is 13 years old, I know my son doesn’t identify as being gay BUT in the event he ever does, he will still be my son,” aniya.
Patutsada pa ni Kris sa ilang netizens: “The bullying you are doing is a reflection of your homophobic attitudes that are no longer welcome in 2021.”
Ayon pa kay Kris, malinaw rin aniya sa kaniya na motibo umano ang pagpuntirya sa kaniyang mga anak upang patahimikin siya sa kaniyang mga ginagawa bilang isang public figure.
“What is very clear to me is that some people cannot stand the fact that despite all their efforts to bury me, I am still standing,” ani Kris.
Patuloy nito: “And they must be cringing that at a time when our country is hungry and struggling, as a private citizen I am doing my part with my hard earned money, to share with those in need,” ani host/vlogger.
Nagsalita din si Kris bilang isang ina na ikinumpara pa ang sarili sa isang “lioness”
“You picked the wrong children to harass and bully because this mother knows your motives...What does a lioness do when her cubs are threatened? She attacks. Google and see what else she is capable of. This isn’t a threat. I am merely stating a fact,” aniya.
Sa huling bahagi ng pahayag ni Kris sa Instagram, mariin niyang sinabi na “Leave my children alone and I will remain a private citizen. Continue messing with them then you are pushing me in the direction you are so obviously afraid I will take. That yellow brick road is starting to look very inviting now,” pahayag pa niya sa post.