• Home
  • Fresh Scoops
  • Walang kasing saya ngayon ang nararamdaman ng komedyana na si Ai-Ai Delas Alas.

Ai-Ai Delas Alas, proud nanay sa pagtatapos ng anak na si Sophia

Walang kasing saya ngayon ang nararamdaman ng komedyana na si Ai-Ai Delas Alas.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/07/2021 04:58 PM
Ai-Ai Delas Alas, proud nanay sa pagtatapos ng anak na si Sophia
Photo courtesy @misaiaidelasalas IG & @Sophdelasalas

Proud nanay moment ang ibinahagi ng TV host at comedienne na si Ai-Ai Delas Alas.

Sa isang mahabang instagram post, ipinagmalaki ng 56 years-old comedienne ang isa sa mga achievement niya ngayon bilang isang ina: ang pagtatapos sa kolehiyo ng anak na si Sophia Andrea Delas Alas.


“Una sa lahat CONGRATULATIONS aking bunso at only daughter SOPHIA ANDREA DELAS ALAS at gagraduate na sya sa wakas wohoooo ..” bungad ni Ai-Ai sa post.

Ayon sa komedyana, maikukumpara niya ang kasiyahang nararamdaman ngayon tulad ng pagtanggap niya ng mga iginagawad na parangal sa trabaho at bokasyon.

RELATED ARTICLE: Ai-Ai delas Alas, Ryan Cayabyab receive highest Papal Award

“Nag papasalamat ako sa POONG MAYKAPAL AT MAMA MARY sa pag gabay sa akin bilang isang ina na maitaguyod ko ang pag aaral ng aking anak .. naiiyak ako sa tuwa aktwali naiiyak talaga ko so iiyak nako hehe ūü•≤  parang nabigyan ulit ako ng papal award at international acting award sa nangyareng ito sobra sobrang trophy ito anak,” sambit pa ng komedyana.

Sa proseso ng pagtatapos ng anak, hindi rin nakalimutan ng komedyana na pasalamatan ang mga tao na tumulong sa pag-abot ng tagumpay ngayon ng anak sa pagtatapos ng kaniyang pag-aaral.

“Bawat magulang ay yan ang pangrap ang mapagtapos ang kanilang mga anak .. nag papasalamat din ako kay Miguel ( papa ni budang) at sa kanyang maybahay na si Pricilla dahil noong wala pa kaming bahay sa amerika doon tumira ang anak ko habang nag aaral sya ng hschool at first year college salamat @priscillasalud .. napa ka agang pang valentines at pa bday ni lord ito pa ra sa akin .. salamat DLSU sa ilang taong pamamalagi nya sa unibersidad na yan ... iam so proud of you baby girl budangdin, budang kulotski,budaski .. andrea .. i love you so dearly anak @sophdelasalas .. ANIMO LASALLE,” pahayag ni Ai-Ai.

May tatlong anak si Ai-Ai na sina Sancho, Sean, at Sophia.

Sa ngayon, happily married ang komedyana kay Gerald Sibayan.