• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Unloving U’ actress Loisa Andalio shares her experience working with married celebrity couple Ariel and Gelli de Belen-Rivera. 

Loisa Andalio talks about working with Ariel Rivera and Gelli De Belen: ‘Ang sweet sweet nila’

‘Unloving U’ actress Loisa Andalio shares her experience working with married celebrity couple Ariel and Gelli de Belen-Rivera. 

BY
Rhea Manila Santos

Twitter: @allaboutmanila

FRESH SCOOPS

03/06/2021 08:35 AM
Loisa Andalio talks about working with Ariel Rivera and Gelli De Belen: ‘Ang sweet sweet nila’
Photo credit: @iamandalioloisa and @geliidebelen Instagram

Now that her iWantTFC series Unloving U is available online, Loisa Andalio said she is happy that more people can see what she and boyfriend Ronnie Alonte have worked very hard on along with longtime celebrity couple Ariel Rivera and Gelli de Belen who play their parents in the digital series.

Yung experience na ginawa namin itong Unloving U kahit ang bigat ng title pero sobrang nag-enjoy ako nung ginawa siya kaya na-excite rin ako sa kakalabasan ng series na ito sa totoo lang. Masaya yung set namin kasi nakakatuwa na makita namin si Ms. Gelli at si sir Ariel na real life din sila na mag-asawa tapos ang sweet sweet nila. Sana ganyan din tayo pagdating ng panahon, alam mo yung ganun? Nakakarinig lang sila ng music sumasayaw sayaw sila at saka kilig. Off cam yun ha ang sweet sweet nila,” she shared.

READ: Ronnie Alonte and Loisa Andalio react to ‘live-in’ rumors


WATCH: Ronnie Alonte at Loisa Andalio, nag li-live in na ba? | PUSH Daily

Loisa also shared one of the many fun moments they had during their lock-in taping. “Ang nakakatawa lang sa akin pag may part na sinasaway kami kasi pag eksena ni Ms. Gelli at sir A dun lang kami sa may standby area and nag-chichikahan kami ng mga makeup artist tapos papatahimikin kami. Yun lang yung mga masasayang moment kasi lagi nga kaming on the go kasi may work talaga,” she added.

READ: Ronnie Alonte’s cryptic post triggers speculations of new milestone with Loisa Andalio

Loisa shared why her song “Kaya Pala,” which is included in their digital series, has a special meaning for her. “Actually matagal na itong song na ‘Kaya Pala’ na-produce nung 2018 kasi binigyan ako ng Star Music ng album tapos ang story nga nito pinapili nila ako ng mga kanta tapos napili ko itong ‘Kaya Pala’ kasi nung pinarinig sa akin sabi ko ang ganda nung kanta. Parag puwede ko tong kunin kasi parang puwede ko itong gawing kanta kay Ronnie. As in kay Ronnie talaga kasi ang ganda nung lyrics niya and na-surprise ako na dito sa Unloving U ay ginamit din siya. Parang perfect timing yung pagkakagawa,” she explained;

When she and her Unloving U co-star Ronnie are not busy at work, Loisa said you can just find them spending time with their loved ones at home.

Para sa akin may time naman talaga para din sa family ko din kasi nagbibigay din ako ng time sa family pag walang work tapos pag kami din ni Ronnie punta rin siya sa family niya, punta ako sa family ko. May mga ganun naman talagang kailangan asikasuhin. Ganun lang. Simple lang kami ni Ronnie. Lalo na ngayon hindi naman puwedeng laging lumabas kaya family muna ang me time,” she said.