• Home
  • Fresh Scoops
  • Huminto muna sa shooting ang bagong pelikula ni Sharon Cuneta dahil sa matinding lungkot nito.

Sharon Cuneta nagluluksa sa pagpanaw ng international fashion designer na si Rocky Gathercole

Huminto muna sa shooting ang bagong pelikula ni Sharon Cuneta dahil sa matinding lungkot nito.

BY
Leo Bukas

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

03/05/2021 03:18 PM
Sharon Cuneta nagluluksa sa pagpanaw ng international fashion designer na si Rocky Gathercole
Photo Credit: @reallysharoncuneta on IG

Pumanaw at natagpuang wala nang buhay ang sikat na international fashion designer na si Rocky Gathercole sa kanyang tahanan sa Quezon City nitong March 3, 2021. Si Gathercole, isang dating homeless person bago nakagawa ng pangalan sa international fashion, ay malapit na kaibigan ni Megastar Sharon Cuneta. 

Sa Instagram post ni Sharon Cuneta habang nasa set siya ng pelikulang Revirginized sa Subic para sa isang continuation scene ay hindi niya napigilang mapaiyak habang inaalala si Rocky. Ayon kay Shawie ay isa ring true-blooded Sharonian si Rocky bukod sa pagiging kaibigan niyang couturier.  

READ: Who is Rocky Gathercole?


Si Rocky ang gumawa ng magandang red gown ni Sharon sa My 40 Years concert nito sa Araneta Coliseum na ginanap noong September 28, 2018. 

I just want to reach out to the family of Rocky and say I’m sending my condolences. Rocky wherever you are, I love you,” simulang bahagi ng video post ni Sharon sa kanyang IG.  

My Sharonians appreciate you ‘cause Rocky was super solid Sharonian. We had so many plans now that I’ve been losing weight so I know he was excited to do more clothes for me but now he’s gone

He really loved me and I loved him, so it’s so hard kasi one by one parang namamatay yung mga importante sa buhay ko. Now si Rocky naman,” humihikbing pahayag ni Sharon. 

Please pray for me, I have work to do and  I don’t want… I need to be… I’m not very strong right now,” panawagan pa niya. 

Sa IG post ni Sharon ay ibinahagi rin niya ang panghihinayang na hindi na mapapanood ng kaibigang designer  ang kanyang bagong pelikula. Sobrang miss na rin daw niya si Rocky. 

“A few hours ago, as I was getting ready to shoot my first scene for the night, I got word that my friend and coutourier Rocky Gathercole passed away. Rocky loved me. He was a pure Sharonian and my friend. He couldn’t wait to see this movie because he loved Osang too.  

I miss you already, dearest Rocky. Thank you for loving me all these years. My and my family’s deepest condolences to Rocky’s family during this terrible time. May God keep you all strong as I am sure Rocky would want you to be. God bless you...” kabuuang post ng Megastar. 

Samantala, dahil sa pinagdadaanan ni Sharoon nung Miyerkules ng gabi ay nagpasya na ang production team ng Revirginized na ihinto muna ang syuting ng pelikula.