• Home
  • Fresh Scoops
  • Umaasa ang maraming fans ni John Lloyd Cruz na mahanap na rin niya ang kaniyang ‘The One’.

PANOORIN: John Lloyd Cruz, nahanap na nga ba ang bagong inspirasyon?

Umaasa ang maraming fans ni John Lloyd Cruz na mahanap na rin niya ang kaniyang ‘The One’.

BY
PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

03/05/2021 07:50 PM
PANOORIN: John Lloyd Cruz, nahanap na nga ba ang bagong inspirasyon?

Tila palaisipan ngayon sa netizens ang posted video ng aktor na si John Lloyd Cruz nitong gabi ng Huwebes (March 4).

Sa nasabing video, isang simpleng pagbati ng magandang gabi ang ibinigay ng aktor na kaniyang isinambit sa video.

“Hello! Magandang gabi,” bungad ng aktor sa bahagi ng video.


Sa patuloy ng maikling video, tila isang kilig na mensahe ang sinambit ng aktor.

“Sana masarap ang tulog mo ngayong gabi,” ani aktor sundot ang “Good night.”

Sa background ng video, tila tinutukso ang aktor na tila may nagpapakilig na rin dito ngayon.

Matatandaan na kamakailan lang, naging laman ng mga balita sa social media ang buhay pag-ibig ng aktor matapos ang kontrobersiyal na pag-amin ng dating karelasyon ni John Lloyd na si Ellen Adarna sa bagong karelasyon nito na si Derek Ramsay.

>

Mainit man ang usapin ngayon, nanatili naman tikom lang ang aktor sa tila masayang buhay pag-ibig ngayon ng dating karelasyon at ina ng kaniyang anak na si Elias Modesto.

RELATED ARTICLE: Ellen Adarna on co-parenting with John Lloyd Cruz: ‘I see how happy my son is when he is around’

Hindi man kumpirmado ngayon, mainit pa rin ang usap-usapan na tila pagbabalik showbiz ni John Lloyd matapos ang pagbabalik niya ng kaniyang looks na labis na na-miss ng kaniyang mga fans.