• Home
  • Fresh Scoops
  • Todo pag-iingat ngayon ang Miss Grand International para sa kaligtasan ng mga kandidata.

Ilang kandidata sa Miss Grand International nagpositibo sa COVID-19

Todo pag-iingat ngayon ang Miss Grand International para sa kaligtasan ng mga kandidata.

BY
Kiko Escuadro

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

03/04/2021 04:56 PM
Ilang kandidata sa Miss Grand International nagpositibo sa COVID-19

Halos kumpleto na sa Bangkok, Thailand ang mga kandidata mula sa iba’t ibang bansa para nalalapit na coronation night ng 2020 Miss Grand International.

Sa kanilang pagdating sa host country, agaran dumirecho ang mga kandidata sa isang hotel upang sumailalim sa quarantine na isa sa mga health and safety protocols ng Bangkok, Thailand bilang pag-iingat na rin sa COVID-19.

Pero sa recent Facebook post ng Miss Grand International nitong Huwebes, (March 4) dalawang kandidata mula sa Africa ang nagpositibo sa COVID-19.


“Official annoucement.

“During State's Quarantine with regular routine COVID-19 swab test there was two candidates test result turn positive which are Nigeria and Kenya. The Miss Grand International has follow the standard regulated guideline recommended by government together with doctor advice by moving both candidates to Piyavej Hospital for further treatment. The hotel applied their standard ASQ policy by sanitized all related area including their accomodation room. The rest of the candidates test negative and clear from COVID-19.

“Miss Grand International Organization”

Ayon rin sa nasabing post, agaran na rin inilipat sa Piyavej hospital ang dalawang African candidates upang maiwasan na rin mahawa ang iba pang kandidata.

Sa ngayon, ang Thailand ang isa sa mga bansa sa South East Asia na may pinakaagresibong paraan upang labanan ang COVID-19.

Samantala, kasalukuyan na rin nasa Bangkok, Thailand ang pambato ng Pilipinas sa Miss Grand International na si Samantha Bernardo na handang handa na sa nalalapit na pagsisimula ng pageant activities bago ang coronation night sa March 27, 2021.

 

 

RELATED NEWS: Samantha Bernardo, first Miss Grand International candidate to arrive in Thailand